~38~ Over You

181K 4.8K 1.4K
                                    

~38~ OVER YOU

 

CHLOE’S POV

Shocked. Wala akong masabi sa nangyayari. Bakit sa lahat ng lugar, lagi nalang nagkukrus ang mga landas namin? Ang layo na nitong Baguio pero nagkita pa rin kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko, seryoso. Kailangan bang nakakulong nalang ako sa bahay buong buhay ko para lang ‘di ko na sila makita??

“Chloe, hayaan mo na. Hindi naman tayo maglalagi palagi dito sa hotel. Susubukan nating iwasan sila.”

Kanina, nashock din si Warren sa nakita niya. Pero unlike me, nakarecover naman agad siya. Baka nga naman nagkataon lang at hindi naman yun imposible dahil hotel ito ng pinsan ni Wayne na kaibigan pa ni Dustin. May koneksyon ang lahat ng bagay. Ugh, sumasakit ang ulo ko sa nangyayari!!

“Kung ayaw mo pala silang makaharap, bakit ka pa pumayag sa dinner kasama sila?”

Minasahe ko ang sentido ko pagkarinig ko sa tanong niya. Hindi ko ineexpect na magiging frustrating itong out-of-town namin. “Baka kung anong isipin ni Jenine kapag ‘di tayo sumama sa kanila.”

“Parang alam ko na ang nangyayari,” umupo siya sa tabi ko sa kama at pinagmasdan ang mukha ko. “Si Jenine na galing sa America ay matagal ng girlfriend ni Dustin. Tapos, niligawan ka niya habang sila pa? Panigurado, walang alam si Jenine tungkol dito dahil gusto ka niyang maging kaibigan.”

Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Basta, yumakap nalang ako sa dalawang hita ko habang nakaupo sa kama. Oo, tama siya. Lumalabas na ako yung panira sa relasyon nila.

“..At nagkataon pa na si Jenine yung kapatid ng batang naging kaibigan mo nung nakaraan? Langya, Chloe! Parang ang liit naman ng mundo para sa inyong tatlo.”

Buntong-hininga nalang ang naisagot ko. Napakaliit talaga ng mundo.

“Oh, ano? Pupunta pa ba tayo?” Tumayo siya at hinawakan ang pulsuhan ko. “Tara, nandito naman ako eh. Hindi ka nag-iisa.”

“Pero—“ Hindi ko na alam kung anong ipapalusot ko. Pumayag na ako eh. “Haaayy, hindi nalang sana ako pumayag.”

“Wala na. Pumayag ka na eh,” hinila-hila pa niya ang pulso ko hanggang sa makatayo na ako. “Nakakahiya naman kung iindyanin natin sila.”

“Kung sabagay… Wait lang. Mag-aayos lang ako ng sarili ko.”

Pagkabitaw niya sa kamay ko, umupo na ulit ako sa kama at nagbutingting na sa kikay kit ko. Suklay dito, suklay doon. Naglagay lang ako ng kaunting powder sa mukha, pati na rin ng lip balm. Hindi pa man ako tapos magsuklay ng buhok, narinig kong may sinabi si Warren na halos nagpawindang sa akin.

“Chloe, willing akong maging boyfriend mo habang nandito tayo sa Baguio… Yun ay kung papayag ka…”

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko halos maigalaw yung kamay ko dahil sa pagkagulat. Jusme, may mangyayari pa ba sa araw na ito na ikagugulat ko?? Quota na po eh.

“Chloe…”

Breathe in. Breathe out. “Warren naman, hindi benta ‘yang joke mo,” pinilit kong ngumiti pagkaharap ko sa kanya. Napansin ko yung pagkaseryoso ng mukha niya. Uh oh. Hindi ba joke yun?

“Hindi ako nagbibiro.”

Lumunok ako ng laway dahil parang natuyuan yata ako ng lalamunan. Sheez, pinagpapawisan tuloy ako ng malamig sa kaba ko.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon