Epilogue

7.3K 486 58
                                    

8 years later...

"Are you ready for your first day of school, Baste?" tanong ni Alden sa anak na kasalukuyang kumakain ng agahan.  Unang araw ng pagpasok ni Sebastian sa high school kaya naman excited ang buong kabahayan nila maliban sa mismong kay Baste.  

"What's wrong, baby?" siya namang lapit ni Maine sa anak matapos ibigay ang kanilang anak na babae kay Alden.  "Love, can you make sure Celestine eats her cereal? Ayokong ma-late sa first day niya sa pre-school." Binaling muli ni Maine ang pansin kay Baste.  "Anak, kailangan mong kumain ng heavy breakfast.  Lalo na at first day mo ngayon.  Aren't you excited? What's wrong?"

Kumibit-balikat naman si Baste habang walang ganang sumubo ng sinangag at hotdog.  Hindi nito sinagot ang ina bagkus ay kumain na lamang ng tahimik sa tabi nito.  Hinagod naman ni Maine ang likod ng anak sabay niyakap.  "Tell mommy.  Come on, baby love.  What's wrong? Aalis na kayo ni daddy mo in a few minutes para di kayo ma-late.  Pero what can mommy do?"

"My new classmates have been making fun of me during orientation," tahimik na tugon ni Baste kay Maine.  "Sabi nila wala naman daw talaga akong totoong mommy."

"Oh my boy," wika naman ni Maine bago niya tuluyang niyakap sa kanyang mga bisig si Baste na ngayon ay humihikbi na.  "Do you want me to take you to school today instead of daddy?"

Bigla namang dumiretso sa pagkakaupo si Baste at pinunasan ang mga luhang pumatak.  Pinilit nitong ngumiti sa direksyon ni Maine at umiling.  "No na, mommy.  I will be all right.  Hindi naman po sila tama, diba?  Kasi may totoo akong mommy at kayo po yun."

"Yes, Baste.  I am your mommy.  Ako lang, wala nang iba - palagi yun."

"Tara na dad.  Ayoko pong ma-late sa school. Ay, wait - mag-toothbrush po muna pala ako before we go. I'll meet you sa car na lang po?" At umalis na nga rin ang bata para tapusin ang mga kailangan niya pang gawin.

Tumayo naman si Alden at nilapitan ang asawa matapos ibigay si Celestine kay Aling Minerva para ipagpatuloy ang pagpapakain. Yumukod ito ng bahagya para mahalikan ang asawa.  "You're such a good mother to Baste, love," marahang bulong nito.  "Thank you for coming into our lives."

Ngumiti naman si Maine at tumingkayad para halikan pabalik ang asawa.  "Thank you for finding me and for loving me and accepting me."

"Ano ka ba? Ako dapat ang magpasalamat dahil ako ang tinanggap mo kahit na may anak na ako."

Kumibit-balikat naman si Maine sabay bigay ng mabilis na halik sa pisngi kay Alden. "Anak ko rin si Sebastian, love.  Baka nakakalimutan mo."

Bago pa makasagot si Alden ay tuluyan ng lumabas si Baste at dali daling kinuha ang mga gamit pang-eskwela.  Lumapit ito sa kanila at hinalikan si Maine bago sinabihan ang ama na magmadali na dahil ayaw nitong mahuli sa klase.

"See you later, mommy!" sigaw ni Baste mula sa bintana ng kotse bago sila tuluyang umalis ni Alden.

Kumaway naman si Maine mula sa pintuan ng kanilang bahay at tinanaw ang kanyang mag-ama hanggang sa lumiko na ito sa kanto ang tuluyan ng nawala sa kanyang paningin.  Bigla itong ngumiti at bago pa magbago ang isip ay tinawag nitong mabilis si Aling Minerva para ihanda na si Celestine.  Kailangan niyang mag-madali kung gusto niyang isakatuparan ang kanyang binabalak.

//

"You don't have a mommy!"

"Yes, I do!"

"Ha! Wag ka nga! Asan ang mommy mo, sige nga? Ni hindi naman nagpakita nung orientation natin yung sinasabi mong 'mommy' mo!"

Tawanan.

"Wala ka naman talagang mommy! Siguro imagination mo lang yang mommy mo!"

Mas maraming tawanan.

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon