MALDITA 9

1M 23.9K 4.1K
                                    

MALDITA 9

Umalis agad ako sa Bar ni Aira, ni hindi ko na nga nagawa pang magpa-alam sa kanya.Inis na inis akong nag-drive pauwi. Panay din ang busina ko sa mga nakaharang na sasakyan.

I never thought na ang pagce-celebrate ko ay mauuwi sa isang nakakabwisit na gabi. Bakit kasi nagpakita pa sya? Bakit hindi pa sya nilamon ng lupa? Bakit ngayon sya nagpakita sa'kin kung kailan hindi pa ako handang makita sya?

Hindi ko napaghanda ang pagkikita naming dalawa. How stupid am I? Bakit hindi ko agad naisip na may posibilidad na magkita ulit kami somewhere? Nakakainis lang dahil wala akong gaanong nagawa sa kanya. Isang malutong na sampal lang ang naibigay ko na naghatid lang ng panandaliang sakit sa mukha nya.Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon para iparanas ko sa kanya ang lahat nang sakit na pinaranas nya sa akin noon. Tama. Hindi pa ngayon.

I'm not bitter...I just hate him, bigtime.He is one heck of a liar and a drama king.He still loves me? Sinong niloko nya? Tanga na lang siguro ang maniniwala sa kanya. Kung dati nakuha nya akong paikutin sa mga palad nya, pwes hindi na ngayon. Hindi na nya ako mauuto.

Mahal? Kung sa kanya lang ulit mang-gagaling ang salitang 'yon, nakakadiring pakinggan. Tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng sinasabi mong pagmamahal. Ikaw naman ang papaikutin ko sa mga palad ko, Ian. Humanda ka sa 'kin.

-

Naglalakad pa lang ako papunta sa pintuan ng bahay ko noong mapansin kong nakatungong naglalakad ang isang babae sa may harapan ng pintuan. Habang papalapit ako nang papalapit unti-unti kong nakilala ang babae. Suot pa lang nya na paldang mahaba at t-shirt na maluwang, alam ko na. Si Nerd.

Napatingin ako sa orasan ko. Mag-a-ala una na ng umaga. Ano pang ginagawa nya dito? Nakita na nya ako na naglalakad at bigla syang ngumiti at kumaway. I rolled my eyes at her reaction. Para kasi syang tanga.

"How's your date?" Tanong nya ng nakangiti.

"Bakit nandito ka pa?"

"I told you...I don't have a car."

"So? Sana naglakad ka na lang."

"Wala akong sense of direction."

"Alam mo ang dami mong problema sa buhay."

"Sino bang taong walang problema?" Natatawa pa nyang tanong.

"Will you just shut up?" Sigaw ko sa kanya kaya naman natigilan sya.

"Pinapaalala ko lang sayo Nerdy, you're my slave. If I didn't give you permission to speak, 'wag kang magsasalita. I don't need a human walkie talkie. Hindi ka naman siguro boba para malaman kung anong ginagawa ng mga alalay, right? Susundin mo lang lahat nang gusto ko. If I say leave then you will leave kahit na sa anong paraan. And your bitchness is starting to get on my nerves." Dire-diretsyo kong sabi sa kanya.

"I just want to be your friend." Mahina nyang sabi.

"Well newsflash, I don't want you to be my friend."

"Then why are you helping me?"

"Because I can. Hindi porke't tinutulungan kita ay may pakialam na ako sa'yo o gusto na kita. Don't expect too much from me, madi-disappoint ka lang."Saka ko sya iniwan na nakatanga.

Hindi ko napigilan ang mairita sa kanya. Hindi ako sanay na pagdating ko sa bahay ko ay may sasalubong sa akin at kakausapin ako nang walang permiso. Hindi ako sanay na may bunto't nang buntot sa akin. Hindi din ako sanay na may napapalapit sa akin bukod sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. At mas lalong hindi ako sanay na may gusto pang kumaibigan sa akin sa kabila nang lahat ng pinapakita kong kamalditahan.

But there is something about her that slowly breaking the walls I built.

-

Morning comes. I didn't get enough of sleep last night. Aside from I went home late ay nag-isip pa ako ng mga plano para magawa ko ang pagpapaikot kay Ian.If I only knew that I will come up with this plan, edi sana pala inayos ko ang pakikitungo ko sa kanya kagabi. Urgh! I so hate this feeling. Nauna 'yong galit. Hinayaan ko 'yong emosyon ko.

Taas noo at with class akong bumaba ng hagdan. Sandaling tumigil ang mga katulong noong nakita nila ako at saka nila ako sabay-sabay na binati ng 'Good Morning.' Hindi ko sila pinansin, dere-deretsyo lang ako sa dining area para sa breakfast ko.

Napatigil ako sa paglalakad noong makita ko si Nerd na kausap si Witch. Hindi pa pala sya umaalis ng bahay ko. Naka-upo si Nerd habang nakatingala kay Witch na kasalukuyang nagsasalita. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi pa nila ako napapansin. Napataas ang kilay ko sa naabutan kong eksena.

"Kaibigan mo si Avah?" Narinig kong tanong ni Witch.

"I want to be her friend but she doesn't want me to be her friend. So I guess were not friends." Mabilis na sagot ni Nerd at saka uminom ng juice.

"Bakit mo naman gugustuhing maging kaibigan ang tulad nya?"

'Yan din yung tanong sa utak ko. Good thing, si Witch na ang nagtanong. All I have to do is listen to Nerdy's reason.

"Because I want to? Kailangan po ba may dahilan para makipagkaibigan ako sa kanya?"

"Nakakagulat lang kasi na may gusto pa palang kumaibigan sa katulad nya."

"Bakit naman po hindi? She's cool!"

"Cool ba ang tingin mo sa batang 'yon? Demonyita 'yon."

Ang kapal talaga ng mukha ng Witch na 'to! Akala mo kung sinong santa kung makapagsalita! Nagulat ako sa naging reaksyong ni Nerd. Tumawa lang sya nang malakas at humawak pa sa tyan nya. Kahit si Witch ay nagtaka sa naging reaksyon nito.

"Sorry. I just remembered someone who used to call me 'demonyita' before. You sounded like her. And I'm pretty sure you don't like Ms. Avah and I bet she doesn't like you too."

Napatanga naman si Witch. Binuka ang bibig at noong walang masabi ay isinara na lang ulit. Napatitig sa kumakaing si Nerd.Gusto kong pagtawanan ng malakas ang itsura ni Witch. She's dumbfounded. May attitude problem din talaga 'tong Nerd na 'to.

"May sasabihin pa po ba kayo Manang?"

Manang? Wala pang tumatawag ng Manang kay Witch sa pagkakatanda ko. Si Nerd pa lang. Kaya naman nag-iba ang mood bigla ni Witch at hula ko nagtitimpi sya ng galit.

"Huwag kang maniwala sa mga pinapakita nya. Hindi mo pa sya kil—"

"Hindi nya ako kilala tulad nang hindi ka din nya kilala, so hindi rin pala sya dapat maniwala sayo." Napalingon sila sa biglang pagsasalita ko. Lumapit ako kay Witch hanggang sa mapaatras na sya.

"Bago mo ako siraan, ayusin mo muna 'yang mukha mo." Mahina ko syang itulak at na-off balance sya. Mabilis naman syang naalalayan ni Nerd. Narinig ko pa ang paghikbi nya. Ang drama! Parang first time naming mag-away. Ang galing talaga nyang umarte parang si Avy. Iniwan ko na lang silang dalawa doon.

Ayoko sa lahat sinasaksak ako ng patalikod, gusto ko harapan para makaganti ako.

"Bakit ka ganyan?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Nerd sa likod ko. Tinignan ko lang sya. Sinundan pala nya ako palabas ng bahay.

"Hindi mo sya dapat tinulak. You should have respected her mas matanda pa rin sya sa'yo. Akala ko mali sila sa mga sinasabi nila tungkol sa'yo. Ever since the day you helped me, nagbago ang tingin ko sa'yo. I see a different Avah Chen, butafter what I saw a while ago...I have to agree with them." Dagdag nya.

Hindi ko mapigilang hindi masaktan sa sinabi nya.

"Same goes with you Nerdy. I thought you're different but I guess you're all the same. Isang pagkakamali ko lang ang nakita mo, hinusgahan mo na ang buo kong pagkatao. How about my good deeds? Ayun, nasa trash bin." I said bitterly and left her speechless.

Masakit husgahan nang taong minsan mong tinulungan. Mas masakit kumpara sa panghuhusga ng mga taong hindi mo man lang nakausap.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon