~Arni~

~Kinabukasan~

Medyo um-okay na yung pakiramdam ni Raine. Nawala na yung paghihilo ni Raine at nakaka-lima na kaming palit ng dextrose. Ngayon, paiinumin ko na siya ng gamot niya, kakatapos lang kasi niya kumain ng tanghalian.

"Inumin mo na yung gamot mo..." Sabi ko habang binibigay ko sa kanya yung gamot niya.

"Thanks." Ininum niya na yung gamot niya at sumandal siya sa pader habang ako naman umupo sa tabi niya at nakipag-holding hands sa kanya.

"Sure kang okay na yung pakiramdam mo?" Sinabi ko sa kanya.

"Oo, okay na rin naman pakiramdam ko. Medyo nanghihina pero, okay naman na ako."

"Dito muna tayo, hindi mo pa kasi kayang mag-byahe ng malayo, lalo na nasa Pampanga tayo."

"Hindi... Kaya ko na bukas. Bukas din tayo aalis, pwede naman akong matulog sa byahe ehh.."

"Sigurado kang kaya mo?" Inassure ko siya.

"Opo, kaya ko na."

"Basta, pagbalik natin bukas sa Manila, sana ganito lang tayo, ulit."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sana ganito na lang, walang away, walang gulo, sana tayo na lang sa bandang huli."

"Di ba sabi ko sayo noon, fate will come and let's not rush it. Darating at darating. Kung dumating, seize the moment and cherished it hanggang wala pang problema ang dumating. Kasi kung tayo talaga para sa isa't-isa, gagawa ng paraan ang destiny natin na magkabalikan tayo at mapatunay natin. Kaya ito, nakahanap na ulit siya. Kaya para sakin, tayo talaga ay para sa isa't-isa." Sabi ni Raine. Tumingin lang kami sa isa't-isa at humarap ako sa kanya.

"I love you, at walang makakapag-pabago sa nararamdaman ko sayo ngayon, kasi I love you." Sabi ko.

"I love you more.." Hinalikan ko siya sa lips at biglang nag-ring yung phone ni Raine. Agad na sinagot niya.

"Hello... Yes? .... Gusto ko sanang mag-formally resign... Naging busy na ako masyado sa career ko ngayon... Andyan ba siya??... Pwede maka-usap?.. Okay.. Hello, Alden.. Pasensya na.. Oo ehh.. Talaga?... Hectic na kasi ngayon ehh.. Yup.. Okay, sige bye.."

"Sino yung tumawag?" Sabi ko.

"Yung isang staff sa Eat Bulaga, kinausap ko din si Alden."

"Tama ba yung narinig ko? Resign? Mag-re-resign ka na sa Eat Bulaga?" Sabi ko.

"Oo eh, one at a time lang yung job at alam kong mas kailangan kong mag-focus sa trabaho ko ngayon. Kaya, give chance to others."

"Dalawa na lang yung trabaho mo.." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Dalawa? Sa pagkaka-alam ko isa lang yung trabaho ko.."

"Hindi, nadagdagan nga ehh."

"Ano naman yung isa?"

"Yung una mong trabaho, yung Analyst. Next, nag-ta-trabaho ka sa puso ko." Ngumiti kaming dalawa at pinatong niya yung forehead niya sa shoulder ko at tinatago niya yung pagba-blush niya.

"Wag mong itago yung mukha mo." Tinaas ko yung head niya at kiniss ko yung lips niya.

"I love you very much, Raine, and I won't lose you again. Ever again. I love you very much."

"Arni, I love you so much. Walang bibitaw sa ating dalawa ahh.."

"Wala talagang bibitaw. Kahit anong mangyare, magpapakatatag lang tayo. And, I love you." Pineck ko lang yung lips niya at sumandal na siya sa akin.

Our love story *DISCONTINUEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant