Chapter 03 [ Meet the parents ]

6.7K 112 0
                                    

Bea's POV

Nandito ako ngayon sa tsutchal na sakyan ni J.L, bongga high tech masyado! Iba talaga kapag milyonaryo ang ama mo taray dinaig pa yung bagong car ng Kuya ko!

Nagkita kasi kami ni J.L ngayon, ang sabi pa ay ipapakilala daw ako sa kanyang Papa at mga kapatid.

Ang saya naman meet the parent na agad ang peg namin ano?! Masaya ako kahit na alam kong fake lang ang lahat at may kapalit na kabayaran, sa totoo lang  wala naman akong paki sa milliones meron din ako nun hindi nga lang ganun karami.

Pero bakit Papa lang? Eh saan ang Mama nya? ano sya putok sa buho walang nanay imposible naman ata yun!

"J.L bakit sa Papa mo lang ako ipapakila wala ka bang Mama?" Sumimangot siya sa tanong ko. Ay sige Bea ikaw na ang chismosa! Tatanung-tanong ka pa kasi!!

Minsan talaga lumalabas ang pagka-chismosa ko eh lalo na pag nacu-curious ako.

"Aishh." Ayus na sagot yun ah! Sagot ba yan ng matino? Hays! Ang alien naman neto! Di ko alam na ganyan pala siya... bakit nga ba hindi ko alam edi ba stalker nya ko dati pa?

"Bakit nga J.L?" Ang kulit ko lang di ba? tiningnan na naman nya tuloy ako ng masama. Hay! Siguro kung nakakasugat lang yang mga tinging nyang iyan malamang duguan na ako rito at nakabroadcast na sa t.v ang pagkamatay ko!

Headline: Isang magandang babaeng nakasakay sa loob ng magarang kotse ang namatay sa tingin.

Huhu ampanget ng pagkamatay ko kung saka-sakali.

"Huwag ka ngang makulit!" pasupladong sagot ni J.L saken at infairness Tagalog ulit ha?! Englisero kasi to!

"I'm just asking lang naman makulit na ba yun? Why so sungit ba?!" Sige lang Bea mang-inis ka pa! Badtrip na nga sayo di ba? kulit mo rin eh!

"Mind your own business. Stop talking, okay!" pagsusuplado pa rin nya sakin.

Arghhh! bakit ba kasi ang suplado niya? Para nagtatanong lang ! di kung ayaw nyang sagutin eh di wag! care ko naman di ba? Hmp! makatingin na lang sa labas este sa kanya. Haha sasamantalahin ko nang kaunti lang distansya niya sakin atleast malaya ko siyang matitignan.

Pinanood ko siya sa pagda-drive. Kainis pati sa pagdrive may poise siya! Gwapo talaga this guy!!

Hanggang sa makarating na kami sa isang napakalaking bahay. OMO ang Gondo! Ang laki-laki ng bahay nila parang Malacañang! Ang sarap sigurong tumira dito...

Ang cu-cute nung mga halaman nila, ang gara may styles pa, pati ang pagkaka-landscape ng lupa may style din. Yayamanin masyado ampeg ng bahay nila.

Grabe! Sa fairytales ko lang nakikita yung mga gantong set-up kasi hindi mahilig si Mommy sa mga ganyang arts para lang daw yan sa mga maaarte sa buhay! Ang Mommy ko kasi medyo may kakaibang prinsipyo. Para sa kanya, simplicity is the best.

By the way sobrang yaman pala talaga nila J.L ano? Sa tingin ko mga times twenty ang yaman nila sa yaman ng parents ko, oo parents ko kase di pa ako graduate kaya di pa ko deserving para sa yaman nila.

Ayiee dito ba kami titira pag naging mag-asawa na kami?

How romantic naman this house... Mala-Romeo and Juliet lang ang peg! Pero sana hindi katulad ng kwento nila ang love story ko huhu...

Anyway, I love this place na. Nakaka-princess ang peg.

Siguro, kung dito kami magha-honeymoon after ng wedding ay baka araw-arawin ko si J.L koh! Haha!

BRIDE FOR HIREWhere stories live. Discover now