Chapter 2

2.2K 69 13
                                    


Chapter 2 - Perfect Couple


"Bes!" sigaw ni Roxy pagkapasok na pagpasok ng room. "May magandang balita akes bes!" tili niya pa,

"Ano 'yon?" matamlay na tanong ko.

Jacin has a girlfriend... iyon ang masakit at malungkot na katotohanang kailangan kong tanggapin.

Dalawang araw na rin ang nakakaraan simula nung makasama ko siya sa detention. Balik sa dati, nakatanaw ulit ako sa kanya mula sa malayo. Ako lang ulit ang nakatingin sa kanya, habang siya abalang nakatingin sa iba.

Palagi saking sinasabi sakin ni Roxy na 'wag daw akong malungkot dahil lang may girlfriend si Jacin. Girlfriend pa lang naman daw kasi, sigurado daw na maghihiwalay din sila. Kung ang mag-asawa nga daw naghihiwalay e.

Pero tingin ko kasi, hindi sila maghihiwalay e. Tingin ko, tinadhana na sila para sa isa't isa.

Perfect couple nga ang tawag sa kanila.

Jacin is Luxford High's Mr. Perfect... while his girlfriend, Ayu is Luxford's Ms. Perfect.

Bagay na bagay talaga sila... and they are truly a perfect couple. First month of the year when they started dating, dalawang buwan bago matapos ang ikatlong taon namin sa middle school. Ilang months palang sila pero kahit sino ay masasabing perfect din ang relasyon nila.

Ano lang ba ako kung ikukumpara kay Ayu? She's popular, rich, smart at sobrang ganda. Unlike me, na kabaligtaran niya.

"Hoy Bes, ano ba? Nakatunganga ka na naman! Napapadalas ang pagtunganga mo ah? Nakikinig ka ba?"

Tumango ako. "Oo, nakikinig ako."

"Kung nakikinig ka, e bakit ganyan pa rin ang itsura mo?"

"Ha?"

Binatukan niya ko ng malakas, ang brutal talaga nitong si Bes!

"Hindi ka kasi nakikinig!"

"Nakikinig ako!"

"O sige, ano 'yung sinabi ko?"

"Sabi mo may magandang balita ka."

"Tapos?"

"Tapos... ano... hehehe." Natawa na lang ako at napakamot sa batok. "Aray!" binatukan niya na naman ako! "Rox Mathew sumosobra ka na ah!"

"Batukan kaya ulit kita? Sabi nang 'wag mo akong tinatawag sa buong pangalan ko e!"

"Ano ba 'yung sasabihin mo?"

Tumikhim siya at ngumiti ng malawak, "Break na ang Perfect Couple."

Napailing ako, "Tsismis lang 'yan sigurado. Sila magb-break?"

E mahal na mahal kaya ni Jacin si Ayu.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit sa puso ng naisip ko.

Nakatikim ako ng pangatlong malakas na batok.

"Roxy!" reklamo ko. Kanina pa siya e.

"Kilala mo ko, Andrea June! Kapag nangalap ako ng balita, sinisigurado kong totoo!"

Napakurap ako. "Imposible. Hindi sila pwedeng mag-break."

"Ay bes, masokista ka na ba ngayon? Hindi ba dapat masaya ka at break na sila sa wakas? Haller?! 'Yung mga Jacin stans nga, ayun sa labas nagdidiwang. Humayo ka na at sumama sa kanila, gora!"

Hindi pa rin ako naniniwala. "Bakit daw sila nagbreak?"

"Importante pa ba 'yon ngayon?! Ang mahalaga, break na sila. Tapos! Kkeut! Fin! Tapos na ang on-going relationship nila, completed na! It's your time to shine na, Bes!"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon