Chapter 46

44 7 1
                                    

KAYLE

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung kinuha namin si Jaycee sa ampunan, masaya rin kami at naagapan na ang sakit niya.

Simula rin nun, araw-araw nila akong dinadalaw ni Cal.

"Ate gitara mo po 'yun?"

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, nakahiga si Cal habang naglalaro kami ni Jaycee.

Tiningnan ko ang tinuturo niya at tumango. "Opo," nakangiti kong sagot.

"Ate gusto ko po nun!"

I chuckled and walked straight to my guitar.

Kinuha ko ito at bumalik sa tabi niya.

"Wooow, paano po 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa gitara ko.

I strum. "Ganito. 'Yung left hand mo, pipindutin nun ang strings tulad nito," I showed him a C. "Tapos 'yung right hand naman, 'yung magstru-strum para tumunog 'yung gitara," paliwanag ko.

"Magstru-stru-stu-stru... ano po ate?" tanong niya at nagkamot ulo.

Tumawa ako. "Magstru-strum. Sige nga sabihin mo munang strum."

"Strum."

"Magstru-strum," sabi ko.

"Magstru..." Tumigil siya at nagsalita ulit. "Magstru-strum."

Rinig ko ang pagtawa ni Cal.

"Galing naman ni teacher Kayle," asar niya at tumawa.

"Ate turuan mo na ako!" sabi ni Jaycee.

"Eh masyadong malaki 'tong gitara ko para sa'yo. May ukulele ako doon, teka," tumayo ako at kinuha ang ukulele na binigay ni Mia.

"Ito," bigay ko.

"Wow ang ganda po."

Tinuruan ko siya kung paano hawakan ang gitara, at kung anu-anong string lang ang pinipindot niya habang nagstru-strum ng kahit paanong paraan.

Sumali na rin sa amin si Cal at nagkwentuhan kami.

"Alam mo Jaycee, ang galing mag-gitara nitong Ate mo," sabi niya.

"Talaga po?"

"Oo, tapos gumagawa rin siya ng kanta," seryosong sabi niya sa bata habang nakangiti.

I felt happy watching the two of them.

Ngumiti ako. "Si Kuya Cal mo naman, gumagawa ng stories," sabi ko.

"Stories po? Tulad ng bed time stories?" masaya niyang tanong.

Napatawa kami.

"Hmm oo, pwedeng tulad ng bed time stories, 'di ba Cal?"

Tumango siya at kinarga si Jaycee. "Bed times stories ba?"

Humagikik si Jaycee. "Opo, opo!"

"Bed time stories pala ah."

Bigla niyang kinarga si Jaycee papunta sa kama at kiniliti ito. Tawa naman nang tawa si Jaycee. Natawa na lang rin ako. At biglang napadako ang tingin sa akin ni Cal, at ngumiti ng nakakaloko.

"No," banta ko at akmang susuntukin siya. "No Cal."

Nagkatinginan sila ni Jaycee.

"Takbo!"

Agad akong tumakbo palayo sa kanila pero nahuli rin agad ako at pinahiga nila ako sa kama.

"Kuya kilitiin natin si Ate!" masiglang sabi ni Jaycee.

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon