Chapter 119

871K 35.6K 35.1K
                                    

Christmas Party 4.0

Jay-jay's POV

Akala ko hindi na matatapos yung awkward moment na yun. Buti nalang at bigla'ng dumating yung Daddy ni Eman at dinalhan pa kami ng pagkain.

Lumipat lahat ng atensyon nila duon sa pagkain pero ako eto. Nganga!

Sa sobrang gulat ko sa pangyayaring yun, napainom ako ng di-oras. Medyo umiwas din ako sa kanila dahil alam kong tatanungin nila ko.

Lumapit sakin si Mica at sumandal din sa pader na sinasandalan ko.

"Okay ka lang?" Tanung nya.

"H-ha? O-okay lang ako."

"Nag-aalala si Calix sayo... Alam mo na. Muka'ng naulit na naman kasi----"

"Ay anu kaba? Hindi ganun yun. Si Yuri lang ang umamin. Tsaka wala namang gusto sakin si Keifer." Putol ko sa sasabihin nya.

Iba kasi ang gusto nya o.... Gusto pa rin nya.

"Walang sinasabi si Keifer pero iba yung pinapakita nya." Biglang sabi ni Mica kaya natigilan ako. "...Mag-obserba ka Jay... Mapapansin mo yung sinasabi ko."

Mag-obserba?

"N-nag-oobserba naman ako. Ayoko lang mag-assume." Sagot ko sa kanya at tumangga ng alak.

Mahirap mag-assume!

Parang alang talab tong iniinom ko. Ganun pa rin yung nararamdaman ko, kagaya kanina.

"Pero Jay... Kahit anu'ng mangyari. Pag-isipan mo lahat. Malaking gulo yung naganap nun sa Section E ng dahil sa love triangle na yan. Ayoko'ng maranasan mo yung naging paghihirap ni Ella." Sabi nya at lumakad na palapit kay Calix.

Parang may kung anu'ng nagpakaba sakin. Minsan ng nasabi sakin ni Ci-N na muntik ng mahati ang Section E dati. Nagkaroon ng grupo si Keifer at si Yuri. Nagkampihan hanggang sa muntik ng mag-away-away.

Parang ayokong mangyari yun. Ayokong makita na magkasira-sira sila ng dahil sakin.

Tinignan ko si Yuri na kasalukuyang nakatayo sa kabilang bahagi ng resto. Nakatingin sya sakin at parang hinihintay ang magiging reaksyon ko.

Ngumiti ako sa kanya para sabihin na okay lang ako at ang lahat samin. Hindi ko kasi alam ang dapat kong sabihin. Oo may umamin na sakin dati ng feelings nila pero hindi ganito yung naramdaman ko.

Gravve! Nakakaloka!

"Tapos na ba kayong lumapang?!" Tanung ni Rory.

Nagsigawan naman sila ng Oo, kahit may mga hawak pang plato.

"Pupunta na tayo sa main event ng gabing ito!" Sigaw ni Rory kaya nagsigawan sila. "...Exchange gift na!"

Naku! Ayan na!

"Tatawagin ko yung code name nyo at lalapit kayo dito para tanggapin yung regalo." Utos ni Rory at kumuha ng isang regalo. "...John Snow!" Panimula nya at lumapit si Kit.

"Wag nyo muna bubuksan!" Paalala ni Rory.

Sabay-sabay kasi dapat naming bubuksan.

"Boy Logro!" Patuloy ni Rory at lumapit si Eman.

Nagtawag pa sya ng nagtawag. Pero isa lang ang hinihintay ko bukod sa code name ko. Yung bluetooth na nakuha ko.

"Mutya!" Tawag ni Rory sakin.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon