Chapter 39: Feelings

3.7K 118 0
                                    








~~




(Third Person POV)

Tahimik na nakaupo lamang sila Cashmere sa isa sa mga lamesa dito sa may silid, malayo sa mga nagkakasiyahang mahikero, at malayo sa magkakapatid.

Tila hindi pa rin sila makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Magkapatid ang tatlong inakala nilang magkakaibigan lamang.

Sabay sabay silang napabuntong hininga at napatingin muli sa mag-iina na masayang nagkwekwentuhan sa may gitna, sa gitna kung saan naroroon ang ibang mga mahikerong may matataas na rango dito sa Undrello.

"Hindi pa rin talaga magsink-in sa utak ko ang mga nangyare. Biruin nyo mga pare, magkapatid pala si Carl at Captain Rence! Ang layo ng rango at lakas nila sa isa't isa!" Nakangangang sambit ni Andrei.

"Shut up Andrei! Kala mo naman meron kang utak ("-___-) makapagsabi to." Poker face na sabi ni Rosby sa kanya at taimtim ring nakatingin sa gawi nila Carl.

"Meron naman ah! Gusto mo pakita ko pa huh?!" Nanghahamong sagot naman ni Andrei sa kanya.

Bago pa magsunggaban ang dalawa, pumunta na sa gawi nila si Carl na abot tenga ang mga ngiti.

Hindi naman sila makapaniwala sa nakikita. Si Carl, nakangiti ng malawak!

"Hindi ba kayo makikisalo?" Tanong sa kanila ni Carl.

Napatingin naman sila Cashmere sa isa't isa. Hindi talaga sila makapaniwala sa mga nangyayare na ito.

"Carl, alam kong matagal na tayong magkasama sa dorm, matagal na rin tayong magkaibiga----"

Hindi pa natatapos ni Andrei ang kanyang sinasabi ng putulin na agad ito ni Carl.

"-----pero wala pa akong nabanggit sayo tungkol sa aking pamilya lalo na kay Kuya Rence tama ba?"

Hindi pa rin mabura sa mga labi ni Carl ang mga ngiti kaya napalunok at napatango na lamang sa kanya si Andrei.

"Hindi ka naman kase nagtanong." Natatawa nyang saad. "Tawag pala kayo ni Ina, Moon Ten, kasama ka Cashmere."

Pagkatapos nyang sabihin iyon, bumalik na ulit sya sa kanyang mga kapatid at Ina na masaya naman ngayong nakikipag-usap sa isang may katandaan nang babae.

"Mag-o-OP kaya tayo doon?" Tanong ni Cashmere sa mga kasama.

"Anong OP na iyong pinagsasabi?" Takang tanong sa kanya ni Patrick.

Napabuntong hininga na lamang si Cashmere sa sarili.

'Bakit ko ba kase ginagamit ang salitang pang-mortal dito? Nabubuang na ako.'

"Ah wala, wala. Tara na nga. Baka kailangan na talaga tayo ni Tita Simera roon." Pag-iiba na lamang nya ng topic marahil ay hindi rin nya alam kung paano ipapaliwanag ang salitang OP rito.

"Tara na." Malamig na tugon naman ni Jayden habang nakahawak sa kaliwang kamay ni Vanessa.

"Sila na ba?" Pag-uusisa naman ni Mich habang nakatingin sa naglalakad sa unahan na si Vanessa at Jayden.

Nagkibit balikat lamang ang kanyang mga kasama at napanguso na lamang si Mich.

Naglakad na sila patungo sa mag-iina at inaya naman sila nitong umupo sa kanilang lamesa.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon