Chapter 28

1.1M 45.6K 93.9K
                                    

Chapter 28: Forgive

Zein's Point of View

"Ace...gentle."

"I'm trying..." namamaos na sagot nya.

Hindi ko maiwasang mamula sa ginagawa nya. Hindi ako nasasaktan dahil nakikiliti pa nga ako e. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin.

"Aray!" Napabalikwas ako sa ginawa nya.

"Uh, did I hurt you?" He asked.

"Hindi, Ace. Ang sarap nga e! Kaya nga ouch, 'di ba? Kasi nasarapan ako. Isa pa at sasakalin na talaga kita."

Humalakhak ito nang matapos na nya ang ginagawa nya. Gusto kong tumayo at iwan sya dahil sa ginawa nya ngunit hindi ko kaya.

Nakaposas ang tig-isa naming kamay sa isa't-isa kaya mahirap kumilos at limitado ang galaw ko. Kaya gustuhin ko man syang iwan ay hindi ko magawa.

"I'm sorry..." Nawala ata ang sakit nung hinalikan nya ang kamay ko habang nakatingin sa akin.

Damn. Paano nya nagagawa ang mga ganon? 'Yon bang kahit na galit ka sa kanya bigla na lang nawawala. Isang-salita lang sa kanya ay wala na ang sakit.

"Bakit mo pa ako itatali sa'yo? Hindi naman kita iiwan."

"Minsan mo na akong iniwan."

Natahimik ako.

Napatingin kami sa pinto nung may sabay-sabay na kumalabog. Napangiti na lang ako nang marinig ang mga halakhak sa labas sa pangunguna ni Matt. Narito kami ngayon sa kwarto ni Ace kaya malamang na nagkakalat na ang mga 'yon.

"Damn... Why, Zein? Bakit kailangan mo pa silang papuntahin? Hindi ba ako sapat?" Ngumuso ito.

Payak na ngumiti na lang ako dahil parang kinikiliti ako ng mga salita nya. Hindi ka pa rin nagbabago... Ace. Ikaw pa rin 'yong inosenteng demonyo na nakilala ko. 'Yong lalaking walang kaide-ideya na nakakamatay na sa kilig ang kanyang mga banat.

"I just missed them." Sagot ko.

Kumunot ang kilay nito at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Natahimik ako dahil alam kong babanat na naman 'to.

"You missed them? Great! Buti sila namiss mo samantalang ako hindi. Just great, darling."

"Huwag kang oa, Ace."

"Oa ba ang tawag mo rito? Sinabi mong namiss mo sila samantalang ako na kanina mo pa kasama... wala na ngang I love you... wala pang I miss you." Sinabunutan nito ang kanyang buhok sa pagkadismaya. "I'm damn jealous and it's killing me." He whispered.

Grabe. Kahit na oa sa kaartehan ang lalaking ito natutuwa pa rin ako. Hari ng kacornihan at drama.

"I love you and I missed you."

"Sa tingin mo makukuha mo pa ako sa ganyan?" Inis na sambit nya bago bumaba sa aking labi ang kanyang tingin. "Kiss me." Matigas na sambit nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Hindi pa rin ako makaget over sa sinabi nya kanina na 'I'll tie you on my bed, both of us naked' kaya ang awkward pa sa akin ng mga ganitong eksena.

"Ace... nasa labas sila."

Ngumisi ito kaya naguluhan ako. Mukhang iba ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.

"Gusto mo pala ng witness dapat sinabi mo kanina pa..."

Kinuha nito ang remote na hawak nya at tinapat sa pinto kaya mabilis na bumukas ito. Nanlaki ang mata ko nang biglang sabay-sabay na bumagsak sa sahig sina Cedric, Raze at Vanessa.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon