Chapter 3

1.8K 69 12
                                    


Chapter 3 - Not Okay


"Aray bes!" reklamo ko, isang malakas na batok kasi ang agad kong natanggap kay Roxy pagkadating niya. Tinadtad niya din ako ng tanong kung bakit at paano ako napunta dito. "Sumakay ako ng taxi at pinasundan 'yung mga sasakyan nila, Bes." sagot ko naman.

"Pa-taxi taxi ka pa! Alam mo namang mahal ang bayad do'n! May natira pa ba sa allowance mo?"

Madalas parang nanay ko na 'tong si Bes e. Lalo na sa mga sermon niya. Siya din ang taga-budget ng allowance ko minsan. "Meron pa naman."

"Bakit mo naman kasi sila susundan? Sa ganitong oras?"

"Si Jacin kasi e... mukhang hindi siya okay."

"Bes, syempre hindi okay 'yon. Kaka-break lang nila ni Ayu!"

"I just want to be there for him..."

"Hindi kayo close! 'Wag ka ngang feeling! Tsaka kilala ka ba niya? Parang nagkasama lang kayo sa detention ng isang beses! 'Wag tayong assuming, Bes."

Alam ko naman lahat ng sinasabi ni Bes e. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Hindi niya ko kilala. Nag-feeling close lang talaga ko nang kausapin ko siya sa detention. Bakit nga ba kasi hindi pa ko nagpakilala noon sa kanya? Magfi-feelig close na lang ako hindi ko pa sinagad.

"Magiging okay lang si Jacin, kasama niya naman kamo ang buong Pyxis 'di ba?"

"Pero Bes..."

"Hay nako, Andrea June! Bakit ba kita naging Bes? Tara na nga!"

Napangiti ako.

Walang kahirap-hirap na nakapasok kami ng bar, nagawan ni Roxy nang paraan kahit underage pa kami. Half of the Pyxis members are still underage too, but they're Pyxis. Pagmamay-ari ng pamilya nila ang halos lahat ng makikita mo dito sa Galax City, at baka isa ang bar na ito sa mga pagmamay-ari nila.

Ang ganda at ang sosyal dito sa loob. Puro dim na blue lights ang bumabalot sa paligid. Meron ding parang mini stage. Sa side lang na 'yon maliwanag dahil sa maliit na spotlight. Walang gaanong tao sa paligid. Mahihinang pag-uusap at 'yung tumitipa sa grand piano sa mini stage lang ang maririnig, na para bang ang bar na 'to ay para doon sa mga taong gustong mapag-isa at mag-emo. Hindi ito katulad ng ibang bar na kadalasan maingay.

Mabilis kong natanawan ang Pyxis.Nasa iisang table sila, ang daming nakalagay na iba't ibang bote ng drinks sa glass table. At may sarili silang bar tender sa gilid nila.

Buti na lang nakapaharap sa'kin si Jacin... kahit medyo dim ang paligid, kitang kita ko ang expression niya. Naka-poker face siya, pero gano'n pa rin ang mga mata niya. Hindi niya pinapakita sa mukha, pero makikita mo sa mga mata niya ang sakit at lungkot.

Pumwesto kami ni Bes sa table na malapit sa kanila.

"Mukha naman siyang okay, ah." sabi ni Bes,

"Bes, tingnan mo nga siyang mabuti. Hindi siya okay."

"Kung makapag-react ka kasi at kung makasunod ka dito, ang akala ko naman umiiyak siya o kaya naghahamon ng away or something."

"Hindi naman gano'n si Jacin, Bes." Mabait naman si Jacin e. Hindi siya basta-basta naghahamon ng away. Medyo brutal nga lang siya minsan. Kung sa pag-iyak naman... hindi ko pa alam.

"Ang mga taong nasaktan, nakakagawa ng mga bagay na hindi pa nila nagagawa noon, Bes." makahulugang sabi pa ni Roxy. Pumunta siya sa counter maya-maya para kumuha ng drinks namin.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon