Chapter 17

19.9K 642 114
                                    



Kill's POV

"Why did you do that?" tanong ko kay Avey. Nasa beach kaming lahat dahil dito ginanap ang reception after ng kasal namin ni Avey.

Napangiti ako nung malaman kong kasal na talaga kami ni Avey.

"I like thrill baby." sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang saktan ako, really?" inirapan ko sya at uminom ng wine. Tumingin ako sa dance floor dahil parang mga baliw na nagsisisayawan ang mga kaibigan naming mga loko-loko. Example na si Ashley at Sam, idagdag pa si V, Anya, Zeke, at yung ibang walang hiya talaga. Natatawa naman sa kanila ang mga bisita sa pinaggagawa nila.

"I'm sorry." tumingin ako kay Avey na masayang pinapanood ang mga nasa dance floor tapos tumingin sakin. "Kung nasaktan kita ng sobra. Ayun lang kasi ang pinaka-effective na paraan para isurprise ka." nailing ako sa kanya. Kakaiba talaga ang pag-iisip ng isang 'to.

Ginawa nya ang surprise na 'yon para bumawi sakin nung tinanong ko syang maging girlfriend ko at magpakasal kaming dalawa. Napag-usapan namin na pag-uusapan naming dalawa ang kasal namin dahil ayaw nyang isurprise ko na naman sya pero sya 'tong hindi tumupad sa pinag-usapan.

Ang dami nyang dinamay na tao sa thrill nya na pati si lolo ay nagawan nyang mapapayag sa kalokohan nya. Pwera lang ang Dragon Empire dahil talagang wala silang alam. Nagulat na lang din sila nung malaman nilang surprise wedding ni Avey sakin yung ginawa nya. Si Rachel at Juls, talagang blinockmail sila ni lolo dahil sa takot na rin na magawa ni lolo ang sinasabi nyang sisirain nya ang buhay ng pamilya nila kaya labag sa loob na sumunod sila kay lolo. At para mas effective raw ang acting kung ipapakita sa kanila na seryoso ang lahat.

Si Gerald naman ay pumayag talaga sya sa gusto ni Avey para gantihan ako. Kanina ay ang sarap nyang sapakin nung malaman ko pero sya ay tinawanan lang ako. May girlfriend na si Gerald at si Sasha pa. Nung malaman namin 'yon ay isang tao lang agad ang inisip namin, si PJ. Ayun luging lugi ang mukha at nagpapakalasing dahil dalawang beses na nasawi. Ang bagal naman kasi.

"Hanggang anong oras tayo rito?" tanong ko sa kanya dahil medyo nakakaramdam na ako ng pagkabagot. Gusto ko na masolo si Avey pero letcheng reception na 'to nauso pa, hindi na lang pagkatapos ng kasal ay direkta honeymoon na.

"Hindi na makatiis?" nakangising sabi nya. Napangisi naman ako at lumapit sa kanya.

"Nope, excited lang akong gumanti ng thrill." bulong ko sa tainga nya. Naramdaman ko naman na nanigas sya kaya natawa ako at lumayo sa kanya.

Uminom ako ng wine at tinignan ang buong paligid. Mukhang wala naman makakapansin na aalis kami ni Avey. Hinawakan ko ang kamay ni Avey at tumayo.

"Let's go. I can't wait to have you now." sabi ko at maingat na umalis kami sa lugar na walang nakakapansin samin.

Mabilis na hinila ko si Avey papunta sa room nya. Agad ko syang isinandal sa pinto pagkapasok palang namin. Napakagat labi sya tapos nag-pout.

"Pwedeng time freeze muna? Gusto kong mag-shower na muna. Naglalagkit na kasi ang katawan ko." sabi nya. Napataas kilay ko tapos ngumisi.

"Tumatakas ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Of course not!" pero hindi nakatingin ng diretso sakin.

"Oh talaga? Nagawa na natin ito? bakit tila kinakabahan ka pa?" sabi ko at sinimulan syang bigyan ng halik sa pisngi nya pababa leeg nya.

"Baby please.."

"Hmm?" sumilip ako sa kanya. Naka-pout sya at medyo tinulak ako palayo.

"Shower muna." sabi nya at mabilis na hinalikan ako sa labi. "Later." hindi ko maiwasan mapakagat ng labi dahil sa tono ng pananalita nya at tingin nya.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon