~40~ What Does My Heart Say?

189K 4.6K 1.2K
                                    

~40~

CHLOE’S POV

Nawala na talaga ako sa mood sa buong araw na ito, kaya hindi na kami tumuloy ni Warren sa pamamasyal. Goodness! Bakit ba ang bilis ng oras?? Gabi na eh! Gabi na! Nafufrustrate ako kahit hindi naman talaga dapat mafrustrate. Sheeeeez! Mamayang midnight na yun. Anong oras na ngayon? 9:30 na. Ilang oras nalang, magmimidnight naaaaaaaa! Shemay! Anong gagawin ko?!?

“Goodnight na, Chloe. Matulog ka na.”

Napanguso nalang ako nung sabihin yun sa akin ni Warren. For sure, hindi kapinta-pinta ang mukha ko ngayon. “Goodnight din.”

1 hour…

2 hours…

Sheez! Hindi ako makatulog! Dalawang oras na akong lutang at nakatulala sa kawalan. Anong gagawin ko?!?! Paano kung maghintay nga yun dun? Ireply ko kaya ng hindi ako pupunta? Napapilig nalang ako ng ulo. Hindi pwede. For sure, kapag tinext ko yun, kukulitin lang ako nun. Kunwari… Kunwari… Nagpalit ako ng sim card. Tama! Nagpalit ako ng sim card. Kunwari nalang, wala akong nareceive na text galing sa kanya.

Phone rings…

GASP. Pagkatingin ko sa screen ng phone ko, napatutop nalang ako sa sarili kong bibig. Tumatawag si Dustin. Mabilis din naman yun nag-end call. Parang nagpa-missed call lang siya.

Phone beeps…

One message from Dustin.

|Your phone is on. I’m sure that you’ve already read my messages. Let’s talk, please. Nandito na ako.|

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko sa message niya. Wala pang midnight pero nandun na siya. Paano si Jenine? Ano pa bang pag-uusapan namin? Malinaw naman ang lahat na mahal niya si Jenine. Wala nang dapat pang pag-usapan.

Hindi ako pupunta. Ayokong pumunta. Hindi pwedeng pumunta ako. Hindi ako nacucurious sa pag-uusapan namin. Hindi ako kakagat sa kung anumang trip niya ngayong gabi. Ayoko. Hindi. Never.

***

Makalipas ang isang oras, nakita ko nalang ang sarili ko na lumabas ng hotel room namin. Hindi dahil pupuntahan siya kundi dahil bibili ako ng gatas sa vendomachine sa lobby. Gusto ko na kasing makatulog. Oo, yun lang ang ipinunta ko dito. Yun lang talaga at wala ng iba.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang may pumasok na naman sa isip ko. Wala namang masama kung sisilipin ko siya dun diba? Err… Titignan ko lang kung anong lagay niya dun o talagang nandun pa siya. Lagpas midnight na eh.

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumipsip sa straw ng sterilized milk ko. “Okay. Okay, sisilip lang ako,” bulong ko sa sarili ko.

So, ayun nga. Lumabas ako hanggang sa lobby. Nilibot ko yung tingin ko sa paligid hanggang sa may nakita akong anino ng tao dun sa may gilid ng gate. Nakasandal sa hall habang may hawak na something na umiilaw. Obvious naman sigurong phone yun. Hindi kaya siya yun o baka SG lang?

Dahil sa curiousity ko, lumapit pa ako ng kaunti dun sa pwesto nung anino. Habang papalapit ako ng papalapit, napapansin kong hindi siya sekyu. Nakahood na black eh. Napahinto ako at nagtago sa malapit sa hall na malapit sa pwetso ko nang bigla siyang gumalaw.

Halos higitan ko na yung hininga ko sa nerbyos. Waaah! Paano kung hindi siya si Dustin? Paano kung myembro siya ng kulto? Why not? Sikat sa horror stories ang Baguio. Hindi yun imposible! Nakahood na black ba naman eh. Geez! Bat ba kasi ako pumunta pa dito?!?!?!

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon