“If your relationship is not how it used to be, and you’re no longer as happy as you once were, do you try to fix it and make it works? Or move on?”
Dedicated yvaine0512
--
/DASURI/“Aray! Saglit lang naman. Nakakaladkad mo na kaya ko,” bulalas ko pagkarating namin ni L.joe sa labas ng ospital. Ang bilis nya kasing maglakad kala mo walang kasamang buntis. Hmp.
Natauhan naman ito at huminto sa paglalakad. “Sorry,” mahina nyang pahayag. Napansin ko agad ang pagbabago sa mood nito. Bakas sa mukha nya ang pagkabalisa. Hindi man masyadong klaro sa akin kung ano ‘yung namamagitan sa kanilang dalawa ni Manong sungit. Mas mabuti siguro kung pagaangin ko na rin ‘yung kalooban nya.
“Aww. Sad sya…” saad ko habang nakatitig rito. Napalingon naman sya sa akin. “Hmm, bakit sad si baby? Wag kana sad. Mas cute ka kaya kapag nakasmile. Gaya nito.” Ngumiti ako habang may nakatusok na dalawang daliri sa magkabilang pisngi ko at pakurap-kurap sa harap nya.
Bahagya naman syang napingiti dahil ‘don. “Argh. Dasuri, why so cute?” saad nya habang hindi mapigilan ang pag ngiti dahil sa aking ginawa. Natuwa naman ako nang mapabalik ko ‘yung sigla nya.
“Actually hindi ko rin alam e. Inborn na kasi ‘yon. Hehe.” Pagbibiro ko pa.
“Okay, fine. Sabi mo e. I won’t argue coz I would never win over you. Si Dasuri ka e.” matapos nyang sabihin ‘yon ay pareho lang kaming nakatingin sa isa’t-isa. Pansin ko sa mga mata nya, na kahit nakangiti sya ngayon sa harap ko. May bahid parin iyon mga lungkot.
Inihakbang ko ang mga paa ko at bahagya syang nilapitan. Napapitlag naman ito nang maramdaman ang biglaang pagyakap ko rito. Halatang hindi nya inaasahan ang ginawa ko.
I place my head on his chest while embracing his whole body. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa naririnig kong sobrang bilis na tibok ng puso nya. Niyakap ko sya nang mahigpit bago nagsimulang magsalita, “Hindi porket isa kang Knight, ibig sabihin wala nang pwedeng magprotekta at magpasaya sa’yo. Nandito kaya ako. Kahit ano pa ‘yung problemang dinadala mo.” Iniangat ko ‘yung mukha ko para tumingin sa mga mata ni L.joe. Gusto kong maramdaman nya through my eyes, kung gaano ko kaseryoso sa mga sinasabi ko. As our eyes met, ngumiti pa ko rito bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Handa akong makinig, dumamay at magpasaya rin sa’yo.”
Napangiti naman sya dahil roon. “Thank you.” He whisper. Umiling-iling naman ako bilang sagot. “Wala ‘yon. Hehe.” Nakangiti pa kami sa isa’t-isa nang may bigla magbusina sa gilid namin. Sabay kaming napalingon ni L.joe sa gumawa ‘non.
Nawala ang mga ngiti sa labi ko nang makilala ang lalaking nasa loob nang kotseng bumisina sa amin kanina. Nakatitig ito sa amin habang nakahawak sa manubela nya. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagtulak sa’kin ni L.joe upang magkalayo kami sa isa’t-isa. Napasulyap tuloy ako sa kanya saglit.
Hindi naman nagtagal ay lumabas ‘yung lalaking nasa loob nang pulang kotse at lumapit sa amin. Mataman nya kaming tinitignan lalo na si L.joe na nasa tabi ko. Sinamaan ko naman sya nang tingin.
“Pwede ko bang makausap ang asawa ko?” maotoridad nyang pahayag. Bahagya namang napaisip si L.joe. Sumulyap pa ito sa akin bago nagsalita, “I’ll wait for you at the bus stop. In case na gusto mo paring magpahatid sa’kin.” Saad nya at saka umakmang aalis na.
Agad-agad ko rin naman syang pinigilan. I grab his hand and look at Kai, “Dito ka lang. Wala na naman kaming dapat pag-usapan pa kaya hindi mo na kailangang umalis.” matigas ko ring pahayag.
Nawala naman ang inis sa mukha ni Kai at napalitan nang lungkot. Sinubukan pa nyang hawakan ang kamay ko pero hindi ko pinayagan ‘yon. Wala na tuloy syang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias