MPML Book 2 (64)

3.2K 85 15
                                    

Andrea's POV

Oras ng klase ni Mommy, lahat tahimik at walang naglalakas ng loob na kumibo o kahit lumingon man lang sa likod. Katatapos lang namin magtake ng test at kasalukuyang chinicheck niya isa-isa bawat papel. Lahat kinakabahan pag nag-iiba reaksyon ng mukha niya at pag may tinataas siyang papel sa klase sabay tawag ng apelyidong nagmamay-ari ng test paper na yun.

"Tumataba yata si Medusa." Natigil ako sa pagmamasid ng magsalita si Marcus sa tabi ko. Naka-de-kwatro siya kung umupo habang nakatingin sa harapan.

Siniko ko siya sabay tingin kay Mommy kung nakita niya ko sa ginawa ko.

"Pag ikaw narinig nyan." Babala ko sakanya pero tinititigan niya parin si Medusa--este si Mommy.

"Tapos lumala pagkasungit niya simula ng bumalik siya. Di kaya menopause na mommy mo?" This time inapakan ko na sapatos niya kaya napa-aray siya.

"Aray!"

Bigla namang nagtinginan lahat samin pati si Mommy. Umupo agad ako ng maayos pero si Marcus tumayo pa habang iniinda yung paa niya.

"Take your seat, Mr. Salvatore."

"Wait lang, ma'am. Ang sakit eh."

Tinanggal agad ni Mommy yung salamin niya sa mata at tinaasan ng kilay si Marcus.

"Pinag-aantay mo 'ko, Mr. Salvatore?"

Kahit ako natakot sa tono ng pananalita niya, gusto kong senyasan si Marcus na wag ng sumagot at maupo nalang pero baka makita ako ni Mommy.

Ayokong madamay no.

"No ma'am." Bumalik siya sa tabi ko at umayos ng upo. Nginitian pa niya si Mommy dahil tinititigan parin siya nito.

"I wish I could smile back, Mr. Salvatore but your answers are so dissapointing." Nagtawanan ng mahina sa room pero isang tingin lang sa kanila ni Mommy, tumigil din sila agad.

"Ikaw kasi" Bulong niya sakin habang umuupo.

"Sabi sayo wag mong tinatawag na Medusa si Mommy."

"E yun naman tawag sakanya dito." Sagot pa niya.

"Tinawag mo siyang mataba."

"Sabi ko mukha siyang tumataba, hindi ko sinabing mataba siya."

"Sabi mo menopause na siya."

"Nagtatanong ako nun!" Nagbubulungan lang kami pero napalakas yung sagot niya kaya pinagtinginan na naman kami.

"Mr. Salvatore and Ms. Briones." Yan na nga bang sinasabi ko.

Nung una nagtatago ako sa likod ni Marcus, pero dahil tinawag narin ako dahan dahan kong pinakita mukha ko. Ngiti ngiti pa ko pero tinaasan niya din ako ng kilay.

Kung akala ng iba na porket anak ako ng isang Prof, especially Medusa eh makakaligtas ako sa pananaray nya. Big NO. That woman is fair. Mommy ko siya sa bahay, Medusa siya sa dito sa campus.

"Yes ma'am?" Patay malisya kong tanong. Nagsisikuhan pa kami ni Marcus dahil puro siya sisi sakin.

"I---"

Hindi natuloy yung sasabihin nya ng biglang magbell. Halos pasalamatan ko lahat ng santo ng marinig yun.

"Alright, class dismiss." Aniya at  sunod sunod na lumabas ng pinto mga kablockmates ko. Kinuha ko narin bag ko para sumabay kila Marcus kumain pero pinigilan niya ako.

"Stay."

Bark, roll-over, fetch!

"May gagawin pa po kami nila Marcu---"

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon