Chapter 123

871K 35.6K 21.6K
                                    

Christmas Celebration 2.0

Jay-jay's POV

"Angelo naman! Hindi na naawa kay Jay-jay!" Galit na sabi ni Tita Gema habang dinidikit yung ice bag sa tenga ko. "...Pulang pula yung tenga nung bata sayo!"

"Kasalanan naman nya eh!" Katwiran ni Kuya habang nakasandal sa ref.

Tinignan sya ni Tita ng masama. "Ikaw Angelo ah! Hinahayaan ka naming disiplinahin mga pinsan mo pero hindi ganito! Halos matapyas tenga ni Jay-jay sayo!"

Napakamot nalang si Kuya ng ulo nya. Gusto ko sana'ng tumawa, ang cute kasi ni Kuya kapag sinisermunan sya.

Hahahahaha...

"Hindi naman kasi maintindihan kung nagsasabi ng totoo yung bata na yan... Wala daw boyfriend pero kakasabi lang nung bata sa labas na meron daw." Paliwanag ni Kuya.

Tinignan ako ni Tita. "Kayo na?!"

Pareho kami ni Kuya na taka'ng tumingin sa kanya. Sino'ng tinutukoy nya?

"Yung nagbigay ng singsing sayo! Kayo naba?!" Buong galak na tanung ni Tita.

Mabilis akong umiling. "H-hindi po Tita..."

"May nagbigay ng singsing sayo?" Tanung ni Kuya.

"Binigyan ka ng singsing ni Keifer?" Singit ni Ci-N habang kumakain ng ice cream.

Tinignan ko sya ng masama. "HINDI! Lumayas ka nga dito! Ipapahamak mo na naman ako!" Sigaw ko sa kanya.

Bigla nalang syang nag-pout at tumalikod samin.

"Lola! Inaaway po ako ni Jay-jay!" Sumbong nya at naglakad pabalik sa sala.

Ay wow!

"Sinong nagbigay sayo ng singsing?" Seryosong tanung ni Kuya.

Pakshet! Hindi ako pwedeng magdahilan o magsinungaling kay Kuya. Mas lalu akong malilintikan sa kanya nito.

"S-si Yuri..." Halos pabulong kong sagot.

Nagpalitan ng tingin si Tita at Kuya. Para bang meron silang alam na hindi ko pa nalalaman.

Humarap sakin si Tita. "Jay... Dun ka muna kay Lola mo. May pag-uusapan lang kami ni Kuya mo."

Nag-nod naman ako at kinuha yung ice bag bago tuluyang lumabas ng kusina. Paglabas bumungad sakin ang salubong na kilay ni Aries.

"Bakit andito yang bata na yan?!" Inis na tanung nya sakin.

"Ewan ko! Basta pagsundo namin kay Lola kasama na sya."

"Pauwiin mo na nga yan, ayoko makita pag-mumuka nyan dito!" Utos nya sakin bago umalis sa harapan ko.

Grabe!

Pati si Ci-N hindi na pinalagpas ni Aries. Hindi naman sya inaano. Hindi ako sure kung what time aalis tong bata'ng kumag na to. Pero sure akong hindi sya dito mag-celebrate ng pasko.

Syempre, pasko tapos nasa ibang bahay sya.

"Jay..." Tawag sakin ni Lola. "...nakakatuwa itong kaibigan mo! Saan mo ba to nakilala?"

"Classmate ko po sya..." Sagot ko bago maupo sa katapat na sofa na inuupuan nila.

"Classmate mo? Eh ang bata pa nya... Repeater kaba?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ah! Kahit pasaway ako inaayos ko pag-aaral ko."

"Talaga?" Mapang-asar na tanung ni Ci-N.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon