CHP27: I won't give up

1.5K 46 12
                                    

"Nakakalungkot lang isipin na ang prinsipeng pinapangarap ko noon, kinamumuhian ko na ngayon." - DASURI

Dedicated yvaine0512 (Hi chingu. Sa'yo ko ulit dinedicate kasi maikli lang yung sa kahapon. Hope you like it :*)
--
/KAI/

Sa loob ng ilang araw, wala kong ginawa kundi ang amuhin at magmakaawa kay Dasuri na pansinin nya ko. Ngunit kahit ganon, bigo parin ako. Halos mabaliw na nga ko kakaisip kung ano pa ba ang dapat kong gawin? Kahit lumuhod sa harap nya gagawin ko bumalik lang sya. Pero mukhang kahit gawin ko 'yon, wala parin magbabago.

Alak.

'Yan ang mga naging sandalan ko sa gabi-gabing naalala ko ang asawa ko. Yung bahay namin na dating puno ng masasayang alaala. Ngayon ay isang madilim na lugar na lang na lalong nagpapaalala sa'kin ng mga sinayang ko. Masakit. Masakit tanggapin na kaya ko nasasaktan ngayon. Kaya ko nag-iisa.....ay dahil din sa kagagawan ko.

I want to stop the time. I want to go back on the past para makasama ko muli ang babaeng mahal na mahal ko.

"Kai! Jong In! Hoy! Gising!" may naramdaman akong tumatapik-tapik sa balikat ko. Bahagya akong gumalaw at sinulyapan kung sino ito. Nasilaw ako sa nakabukas na ilaw kaya medyo nahirapan akong maaninag kung sino nga ba iyong taong nasa harapan ko.

"N-Noona?" saad ko ng makilala ito.

"Ako nga. Sino pa ba ang inaasahan mo? Hala. Tumayo ka nga dyan at mag-usap tayo ng matino." Utos nito sa akin. Wala sana kong balak syang sundin ngunit naisip kong hindi rin nya ko titigilan kaya minabuti kong sumunod na lang.

"What are you doing here?" walang sigla kong pahayag. Umupo naman ito sa upuan sa gilid ko.

"Ako? Tinatanong mo kung bakit ako nandito? C'mon Kai! Ilang araw ka nang nowhere-to-be-seen. Hindi ko nga alam kung nakikipaglaro ka sa amin ng hide and seek. Kaso wala kong time para sa mga kalokohang ganyan. Kaya pinuntahan na kita rito para tangunin...." she pauses for a while bago nagpatuloy.

"Gusto mo pa bang maging idol?" napaangat ako ng mukha at napatitig rito nang marinig ang kanyang naging tanong. Gusto ko pa bang maging idol?

"Base kasi sa mga kinikilos at pinapakita mo sa amin ngayon para bang gusto mo nang i-give up ang pangarap mo. Alam ko namang may pinagdadaanan ka ngayon at hindi 'yon ganon kadali. But Kai I want to remind you, hindi lang sa'yo umiikot ang mundo. Kung hindi mo kayang paghiwalayin ang trabaho at personal mong buhay. Kailangan mong I-let go ang isa." Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni noona kaso anong gagawin ko? Pakiramdam ko unti-unti na kong namamatay sa tuwing naaalala ko ang asawa ko. Sa kanya na umiikot ang mundo ko.

"Sorry." Yan lang ang nasagot ko matapos kong magbuntong-hininga nang malalim. Mukhang naintindihan naman nya ang kalagayan ko't binawi ang sinabi.

"Wag kang mag-alala, hindi naman kita pipiliting mamili. Ang sa'kin lang wag mo namang pabayaan ang mga pinaghirapan mo dahil lang nasawi ka sa isang aspeto ng buhay mo. Look at yourself, ikaw pa ba 'yung Kai na kilala ko?" she looks at me intensely.

"Kung talagang gusto mong balikan ka ng asawa mo. Bigyan mo sya nang dahilan para gawin 'yon. Hindi 'yung magmumukmok ka dito sa bahay nyo. Nakapatay ang lahat ng ilaw at magdamag na mag-iinom. Ang kilala kong Kai, hindi sumusuko hangga't hindi nakukuha ang gusto nya. Get up and fix your mess."

Tumayo na sya't inabot sa akin ang isang brown envelope. Inilapag nya 'yon sa tabi ko at saka muli akong hinarap, "Isinama kita sa isang reality show, isa 'yong show kung saan ang mga artistang kalahok ay gagampanan ang trabaho ng isang ordinaryong tao sa loob ng isang linggo. Nasa loob ng envelope na 'yan ang profile ng taong gagampanan mo. Basahin mo iyon nang mabuti para makapaghanda ka ng husto. Wag muna sanang pairalin ang katigasan ng ulo mo. Sumunod ka na lang." then she start walking. Hindi pa man sya nakakalayo ay muli nya kong nilingon.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon