Chapter 124

888K 34.1K 13.6K
                                    

Kit...

Jay-jay's POV

"Hindi ba pupunta si Ci-N dito?" Tanung ni Lola sakin.

"Hindi po..."

Dama kong miss ni Lola si Ci-N. Ako din naman miss ko na sya. Ilang araw na kasi syang hindi nagpupunta dito. Buti sana kung nagtetext sya sakin o tumatawag pero hindi eh.

Nung mismong araw ng pasko bigla nalang tumawag sakin yung Kuya nya. Galit na galit sakin at sinabihan akong pauwiin si Ci.

Ayaw daw ng gulo ni Ci-N kaya umuwi nalang sya. Sabi nya tatawag daw sya agad kapag nakauwi na sya pero hindi nya ginawa.

Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala.

Anu na nangyari sayo Ci-N?

Gusto ko sana sya puntahan pero baka magpang-abot kami ng Kuya nya at nag-away pa kami. Iiwas nalang ako, kesa magkagulo.

Narinig kong tumunog yung cellphone ko. Akala ko si Ci-N kaya nagmadali pa ko sa pagkuha nun pero iba pala yung tumatawag.

Si Eren...

"Hello?"

["Jay-jay"] Mahinang tawag sakin ni Eren.

"Bakit? May kailangan ka?"

Dinig ko sa kabilang linya na parang nagkakagulo. Naririnig ko pa na may nag-aaway tapos parang may naglalakad na padabog.

"...Ang ingay ata, asan kaba?" Dagdag kong tanung.

["Andito ako kila Kit... May problema kasi." Huminga sya ng malalim. "...p-pwede kabang pumunta dito?"]

Naguguluhan ako sa nangyayari. Idagdag pang ang ingay-ingay sa side ni Eren. Parang may kolisyon na hindi ko maintindihan.

"Bakit?"

["Hindi ko na kasi alam kung sinong lalapitan. Kailangan ni Kit ng tulong ngayon eh."]

Nakaramdam ako ng pag-aalala. Hindi nagsasabi ng problema si Kit o si Eren. Kung tinawagan na nila ko ng dahil dun, ibig sabihin mabigat ang kinakaharap nila.

"S-sige... Papunta na ko."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Eren. Pinatay ko na agad ang tawag. Nag-paalam ako kay Lola bago dumiretso sa kwarto para magbihis.

"Alis na po ako La... Kayo nalang po bahala magsabi kila Tita." Sabi ko at nag-nod naman sakin si Lola.

Lumabas ako ng bahay at agad na tumakbo papunta sa kanto. Buti nalang at maraming taxi na nagkalat nayon, hindi ako nahirapang sumakay.

Sinabi ko agad yung address nila Kit. Minsan palang ako napunta sa bahay nila pero natatandaan ko pa naman kahit papanu.

Dahil sa traffic feeling ko aabutin ako ng syam-syam sa byahe. Sumasakit ang ulo ko sa ingay ng nga busina nila. Akala naman nila, aandar ang sasakyan sa harap nila kung bubusina sila ng bubusina.

Sige! busina pa!

Nakarating naman ako ng matiwasay sa bahay nila Kit. Nakaabang na sakin si Eren sa gate pa lang ng bahay.

"Eren..." Tawag ko sa kanya. "...Anu'ng nangyari?"

Hinawakan ako ni Eren sa braso at bahagya'ng nilayo sa bahay nila Kit. Tumingin muna sya sa gate sandali bago nagsalita.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon