Chapter 125

944K 35.1K 26.2K
                                    

Author's note: Happy New Year!!! 

Yung link po ng fb group ay nasa aking account na makikita sa 'About'. Thank you!!


New Year, new hmmm..

Jay-jay's POV

"Kit... Sorry talaga."

["Okay lang, kasalanan ko din naman. Sorry din."] Sagot sakin ni Kit mula sa kabilang linya.

"Pahinga kana... Happy new year."

["Happy new year din. Salamat Jay."] Sabi nya bago tuluyang patayin ang tawag.

Nahihiya ako sa kanya. Sinubukan nya kasi akong halikan. Ayun! Nasuntok ko sya, pasa ang muka. Nabigla kasi ako kaya kusa ng gumalaw ang kamay ko para suntukin sya.

Pero dahil naman dun parang natauhan sya at naisipan na ring lumabas ng kwarto nya. Hindi nga lang sila nagbabatian ng Tatay nya.

Awtsu!

Ang hirap ng kalagayan nya. Dapat ko na rin atang kausapin si Mayo. Kailangan kong marinig yung side nya at balak na rin nyang gawin.

Medyo naguluhan nga lang ako sa sinabi sakin ni Eren at Kit. Bisexual daw si Mayo at hindi lang daw si Kit ang nakarelasyon nito'ng lalaki.

Alam ko ibig sabihin ng Bisexual, pero naguluhan ako kay Mayo. Hindi kasi mahahalata sa kanya na ganun sya.

Alam kaya nila Keifer to?

Yun pa pala isang problema. Kung alam na nung Kumag na yun yung totoo malamang gumawa na sya ng paraan para mapalayas tong dalawa sa Section E.

Pero kung hindi pa, anung gagawin nya kapag nalaman nya? Haaaiiizt Ayokong isipin. Kawawa sila kapag nagkataon.

Narinig ko yung malalakas na fireworks sa labas. Wala pang 12 pero kung makapag-sindi ng paputok wagas.

Kayo na mayaman!

Hindi kasi kami namili ng kahit anung klase ng fireworks. Hindi daw kasi kami dito mag-celebrate. Meron daw kaming pupuntahan.

Speaking of pupuntahan, hindi pa ko nag-aayos. Mabilis akong tumakbo ng banyo para maligo. Kailangan fresh kapag sinalubong ang bagong taon.

Mabilis ang naging kilos ko. Paglabas ng banyo napahinto ako ng makita ko si Tita Gema na naghahalungkat sa kabinet ko.

"Bakit po Tita?" Tanung ko.

Sandali nya kong tinignan at ngumiti. "Ipipili kita ng susuotin mo."

Huh?!

"Hindi na po kailangan... Okay na po ako sa Pants at Shirt."

"Hindi pwede... Party yung pupuntahan natin. Dapat naka-dress ka."

Naka-dress?

Parang ayoko na pumunta. Dito nalang ako sa bahay. Dalawa nalang kami ni Snorlax na mag-celebrate.

"Tita, masama po pakiramdam ko. Hindi na po pala ako sasama." Sabi ko habang umaarteng masakit ang ulo.

"Tigilan mo ko Jay... Hindi uumbra sakin----ay eto nalang!" Biglang sabi ni Tita habang hawak-hawak ang isang puting dress.

Eh naku!

"..suot mo! Dali!" Excited na utos ni Tita sakin.

Next time nga, lahat ng dress sa kabinet ko susunugin ko na.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon