Chapter 43: Tiya Minerva

3.3K 109 2
                                    





~*~

(Third Person's POV)

Nasa labas na ng mansyon ang lahat, tanging hinihintay na lamang nila ang paglabas ng isa nilang kasama, at yun ay si Dennis.

"Ina, hindi ko na yan kakailanganin sa paglalakbay!" Nakangusong saad ni Dennis habang nagpapapadyak ng paa patungo sa mga kasama.

Natatawa namang nakatingin sa kanyang gawi si Cashmere at Michelle na nakahalukipkip sa inaaasal ng binata.

"Kakailanganin mo ito." Maotoridad na sabi ni Simera sa anak.

Lalo namang napanguso si Dennis at inis na kinuha ang bag na ubod ng laki at malamang, bigat.

"Woah! Grabe talaga si Ina. Alagang-alaga ang bunso." Natatawang panggagatong pa ni Carl.

Nailing na lamang si Rence sa kanyang pamilya at nauna nang naglakad. Sumunod naman ang ilan at nagkanya-kanya nang paalam sa mga tauhan sa mansyon at pati na rin kay Simera na nagwawagayway ng kanyang kamay.

Hindi biro ang misyon nila, at mas lalong hindi rin biro ang mga halimaw na maaari nilang kaharapin sa daan. Sila ay nasa Undrello, ang lugar na isinumpa ni Total.

Hindi alintana ang kakaibang init sa lugar, ang hangin na may kakaibang amoy na animo'y may nakalakip rito, ang uhaw na kanilang nararamdaman sa kadahilanang kailangan nilang tipirin ang tubig at ang pambihirang pagod na nararanasan nila ngayon.

"STOP!" Pagod na sigaw ni Vanessa at pagod na sumalampak sa lupa. "Seryoso Cap? Malayo pa ba?"

"Malapit na." Poker face na sagot ni Rence.

"Cap naman! Kanina mo pa sinasabi yan. Asaan na?" Panggagatong pa ni Andrei at sumalampak na rin ng upo sa lupa.

"Bat kase hindi na lang natin gamitin ang abilidad natin?" Suhestyon ni Patrick bago hilahin si Ferresa paupo sa lupa.

"Delikado." Mabilis na sagot ni Rence.

"Matutunton tayo ng Dark Magicians, imbes na tayo ang makatunton sa kanila." Singit na sagot naman ni Tamix Jayden at naupo na rin sa lupa. "Magpahinga na lang muna tayo."

Agad namang nagsitanguan ang lahat at naupo na sa kani-kanilang gustong pwesto. Walang nag-atubiling magsalita dahil na rin sa pagod.

Malayo na rin ang kanilang nalakbay, at wala nang gusto pang bumalik roon at isuko ang misyon. Wala silang makitang kahit ano sa paligid, walang palatandaan na kahit na ano sa paligid.

"Pagbalik sa Academy, magpapa-spa talaga ako." Bulong ni Vanessa sa sarili na agad namang sinang-ayunan ni Michelle.

"Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga babae sa akin ngayon? Madungis, maalingasaw ang amoy, oyy! Teka awat! Hindi pa ako mabaho ngayon, baka mamaya? Ahh basta hindi na ako gugustuhin ng fans ko ngayon eh!" Maktol naman ni Andrei.

Matawa-tawa namang nakakikinig sa kanila si Cashmere at Carlos na nakaupo lamang sa gilid.

"Totoo Andrei? Mayroon kang fans sa Akademya?" Manghang tanong ni Dennis habang magkadikit ang mga palad.

"Oo naman! Ang gwapo ko eh."

"Buti ka pa. Noong ako ang nag-aaral dyan noon, wala ni isa." Malungkot namang sambit ni Dennis na agad namang inakbayan ni Andrei at tinuruan na ng kabalastugan.

Napailing na lang ang lahat sa dalawa, ang isa nang-uuto at ang isa ay nagpapauto.

"Ssssshh!"

Biglang napatahimik ang lahat sa biglaang pagpapatigil ni Vanessa.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon