The 2nd Level

3K 127 1
                                    

Raph Pov

Pagpasok namin sa pintuan ay bumungad sa amin ang isang malamig na temperature. Hindi ako gaanong nalalamigan dahil sanay na ako. Kung minsan nga sa bahay kahit bumabagyo nag eelectricfan ako. Ewan ko ba. May pagka-abnormal ang katawan ko. Minsan kahit tirik na tirik ang araw nalalamigan ako. Tapos ganun din pag sobrang lamig, naiinitan ako.

"Brr. Ang lamig naman. Ace payakap." Chan.

"Manigas ka." Ace.

"Boom!! Ano ka ngayon?!" Nard.

"Hahahaha. Ano? Pahiya ka no? Haha bagay nga sayo. Pwe!" Ando

"Manigas ka bro. Manigas ka!!" Rolly

"Manigas o tumigas? Hahaha." Zed.

"Oy! Bastos! Kita mo nga na may babae rito oh." Athena.

"Babae ka pala? Hahahaha." Zed.

Natawa na lang ako sa inasal nila. Halata talaga sa kanila na sobrang nilalamig sila. Pero ako? Wala lang. Nasanay na nga ako. Nagtitingin-tingin ako sa inventory ko at may nakita akong coat. Nabili ko ito sa isang merchant. Actually isusuot ko na dapat ito pero napatingin ako sa paligid ko. May kanya-kanya na silang coat.

"A-ang la-mi-g" napatingin ako sa tabi ko. Si Franchelle habang nanginginig.

"Oh. Suot mo." Bigay ko kay Franchelle.

"Eh pano ka?" Tanong niya sa akin.

"Kunin mo nalang at wag ka nang umangal." At nagsimula na akong maglakad. Sinundan narin nila ako. Katulad ng level 1. Malawak din ito. Kaso, umuulan ng yelo. Napatingin silang lahat sa akin. Kahit nakatalikod ako ramdam ko ang mga titig nila.

"What?"

"Ok ka lang? Bakit wala kang coat?" Rolly.

"No need."

Magsasalita palang sana sila ng may naramdaman akong gumalaw. Naging alerto ako. Sobrang faint lang ng paggalaw pero ramdam ko parin. Natingin ako sa mga kasamahan ko pero tanging si Zed lang ang naging alerto.

"Alerto. May kakaiba rito." Sabi ko sa kanila.

"Naramdaman mo?" Zed

"Yeah."

"Oy. Naramdaman ang alin? Ang pagmamahal ko kay Ace?" Chan.

"Tahimik." Ace

"Oo nga kasi. Tahimik. Epal ka eh." Nard

"Epal." Chan

"Kumag." Nard

"Bakla" Chan.

"Supot" Nard

"Manyak." Chan

"Malibog." Nard

"Tu--"

Nagulat nalang kami ng biglang tinutok ni Ace ang kanyang sword kay Chan. Pinagpawisan si Chan at lumunok. Halatang kinakabahan.

"Tatahimik o gigilitan kita?" Ace.

"Ta-tahimik. I-to na nga oh. Tatahimik. He-he-he-he.>_<¦¦¦" chan.

Biglang tumahimik sandali. Maya-maya...

"Hahahaha. Epic. Hahaha" Rolly

"Hahaha. Mukha mo Chan. Hahaha." Nard.

"Wala ito. Panis ka bro. Hahaha" Ando.

"Pfft. Takot ka pala kay Ace." Athena.

"Hahaha yan kasi!" Dianne.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon