TDKQ: 1

61.1K 997 34
                                    

Chapter: 1 My Ruined Life

"Franxiiiiineee!" Sigaw ng aking bestfriend na si Cheskah.

"Dali! Dali! Doon naman tayo sakay sa Corousel!" Sigaw niya na parang bata with matching puppy eyes.

Hindi ako makakatangi dito. Best friend ko siya

Hinila niya ako sa pila para makakuha ng ticket.

Whooops! ^.^

Bago ko makalimutan.

Ako po si Parisha Franxine Quina. Loka loka pero maganda!

Ang katabi ko naman ay si Cheskah Releno. Sabog pero cute. Hahahaha.

Nakabili na kami ng ticket at pumunta sa harapan ng kuya The tagatingin ng Tickets!

Kinuha niya yung ticket at sumenyas na pwede na kami pumasok.

Sumakay kami sa kabayo halos mag katabi kami.

Masayang masaya ako ngayon.

Kasi Kasama ko siya sa huling pagkakataon.

Aalis na kasi siya. Pupunta na ng ibang bansa, kaya ito. Nagpapakasaya. Kahit mamaya na ang flight niya.

Huminto na ang Corousel at lumabas ng may ngiti sa aming mga mukha.

Ng biglang tumunog ang Cellphone ni Cheskah.

Agad niya itong sinagot.

"Hello?.........Huh?!....Pero--.......
S-Sige......mmh.... Naiintindihan ko po..... Sige po.... Bye" napatingin ako sa kanya na naka kunot ang noo ko.

"May problema ba Cheskah?" Tanong ko. At niyakap niya ako.
Hindi ko alam pero naiiyak na rin ako. Huwag ka ngang O.A Franxine!

"Sorry....Sorry...." panay sabi niya habang nakayakap sa akin.

"B-Bakit ka nag-so-sorry?" Tanong ko at tumulo na ang nagbabadyang luha nito.

"S-Sorry Franx..... H-Hindi k-ko alam na...*piyok* na n-ngayon na" sabi niya.

"Ano ba ang ibig mong sabihin Cheskah?" Tanong ko. Kinakabahan ako.

"F-Franx.... P-Pinapauwi ako n-ni Mommy.... N-Naiba yung schedule n-ng Flight ko....N-Ngayon n-na daw" iyak niya.

Tumango na lang ako at niyakap siya. Wala akong magagawa para pigilan siya. Mga magulang niya iyon.

"I understand... Cheskah... Go on. Okay lang ako" sabi ko at bumitaw siya sa bisig ko.

"A-Are y-you sure?" Tanong niya at tumango na lang ako.

Halata ang halos pagkabigla niya sa sinabi ko. Pero bigla na lang ito ngumiti..... at pilit iyon.

"M-Masaya akong nakilala ka" sabi niya at niyakap niya ulit ako sa huling pagkakataon. Pagkatapos noon ay tumakbo siya para makapara ng taxi. Ng makasakay siya sa taxi. Tinitingnan ko ang pag alis ng taxi niya.

Hanggang sa wala na akong maaninag.

Napaluhod na lang ako.

Bakit?

Bakit ngayon pa na nakalimutan ko na ang pagkawala ng mga magulang ko? Ngayon pa na Masaya na ako kasama siya? May nagawa ba akong kasalanan?

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili habang umiiyak ay nag lalakad ako. Wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

She's My Bestfriend. Ang unang nagpabago sa akin ang unang nakipag kaibigan sa akin. Ang unang lumapit sa akin. Ate kong ituring siya.

Napadpad ako sa gubat. Napa linga linga ako pero puro puno na ang nakikita ko. This is bad Literally bad. Wala akong makita dahil gabi na. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko. Pero Fxck it! Low bat ako!

Hindi ko pa naman dala yung power bank ko!

Naglakad pa ako ng naglakad.
Lakad lang ng lakad. Lakad dito lakad doon. Banda rito banda doon.

Im so Fxcked up! Naliligaw na nga ako.

Naramdaman ko na may paparating. Marami sila. Kay imbis na nag lakad ako. Tumakbo ako.

Biglang bumagsak Ang ulan.

Ano ba iyan! Worst Day Ever!

Napatingin ako sa likuran ko at napatigil ako sa pagtakbo.

O_______O

M-M-Mga W-Wolves b-ba iyan?!

Shxt! Shxt! Shxt!

Nakatingin sila sa akin. Galit....sila....

Mga matutulis at naglalakihan na mga ngipin. Kulay dilaw at umiilaw na mga mata nila. At ang dirty grey nilang balahibo. Unti unti akong umaatras habang sila naman ay papalapit sa akin.

You need to do something Franxine!

No choice kundi tumakbo na lang.

Hinahabol na nila ako. Makipot at maputik ang tinatakbuhan ko. Dagdagan pa ng mga halaman na matatalim ang mga dahon at sangang matutulis. Halos malasog lasog na ang katawan ko sa sobrang dami na ng sugat ko.

Takbo lang ako ng takbo habang sila naman ay habol ng habol.

Nakakaramdam na ako ng pagod at pagsakit ng aking katawan na anomang oras ay bibigay na ako.

May nakikita akong liwanag! Malapit na malapit na!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bangin ang nakita ko. Sa ibaba ay kumikislap na tubig na natatamaan ng bilog na Buwan kahit umuulan. Mga Matutulis at naglalakihang tipak ng bato sa baba ng bangin na humahampas sa bawat alon rito.

Napaharap ako sa kanila. Nanginginig na ang buong katawan ko. Dahil sa mga sugat, Lamig dahil umuulan at pagod.

"Grrrrrrrrrr" -sila.

Nakita ko na papalapit sila. At umaatras na lang ako. One wrong move at siguradong Dead Meat na ako.

Hmmmmmm. Mukhang hanggang dito na lang ako.....

Mukhang destiny ko na talaga ang mawala.

'Besfriend Franxine!' Rinig ko. At napahagulgol na ako ng iyak. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan ko pang makita si Cheskah.

Parang slow motion na tumalon ang mga wolves papunta sa akin at naglabasan ang mga matutulis nitong mga kuko. Napa atras ako. At nadulas.

Shxt!

Nalalaglag ako.......
.
.
.
.
.
Parang slow motion ang nangyayari.
.
.
.
.
.
.
Nakita ko na nakadungaw ang mga wolves. At unti unti silang umalis.
.
.
.
.
.
.
Napa pikit ako at sumigaw.

"AHHHHHHHH! FXCK IT! AYAW KO PANG MAMATAY!"

------------------------------------------------------

started: January 1, 2017

Ended: March 14, 2017- 10:10 p.m

The Demon King's Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon