“I’m sad because I don’t feel bad for my dad.”- L.JOE
Dedicated to iamjhope
--
/DASURI/Nakatingin lang ako kay Kai habang panay ang pag-asikaso nya sa’kin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasalita. O kung bakit wala kong maramdaman sa mga ginagawa nya. It seems like naging manhid na ang puso ko pagdating sa kanya.
Ilang minuto pa ang nakalipas at hindi na ko nakatiis. Nagsalita ako’t pinatigil sya sa kanyang ginagawa.
“Ano ba ‘tong ginagawa mo Kai? Hindi ka ba nahihiya? Nandito ka sa school namin bilang isang professor kaya paano mo nagagawang landiin ang mag-aaral mo? Sana man lang nag-isip ka muna bago kumilos. Nakakahiya.” Tumayo ako mula sa pwesto ko at ibinagsak ang chopstick na ibinigay nya sa’kin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. O kung bakit nagagalit ako sa kanya. Siguro kasi, ayoko lang yung fact na umaasta syang parang walang nangyari, na wala kaming hindi pagkakaintindihan.
“I’m sorry,” bahagya akong natigilan nang marinig ang sinabi nya. Ngunit kahit ganon mas pinili ko paring magpatuloy sa paglalakad. Lumabas ako nang kwarto at iniwan sya roong nag-iisa.
Napasandal ako sa pader matapos kong makalabas ng pinto. Doon ko naramdaman ang panginginig ng aking mga tuhod. Pati na ang pag-init nang magkabilang mata ko. Kinailangan ko pang tumingala para lang mapigilan ang nagbabadyang pagbaksak ng luha mula rito.
“Badtrip naman e. Bakit kailangan pa nyang gawin ‘yon. Bakit kailangang….arggh.” napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa sobrang frustration. Pinapakalma ko pa ang aking sarili nang maulinigan ko si Kai na magsalitang muli.
“Ang tanga mo kasi Kai, kaya bagay lang sa’yo ‘yan.” Bakas sa boses nya ang sobrang lungkot. Mukhang umiiyak pa nga ito. Napabuntong-hininga na lang ako’t muling napalingon sa pinto ng kwartong kinaroroonan nya.
“Dasuri naman e. Bakit hanggang ngayon, hindi mo parin sya matiis?” I closed my eyes for a while then started to walk. Pilit na ginigiit ng isip ko na mali itong gagawin ko. Maling magpaubaya na naman sa sinasabi ng puso ko.
Pero takte lang….bakit hindi ko talaga sya matiis?
May kumirot na kung ano sa dibdib ko nang makita ang kalagayan ni Kai. Tama nga ang hinala ko patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata nya habang pilit na inuubos ang mga pagkaing nasa harapan nya. Tahimik akong lumapit rito, bahagya naman syang napalingon sa’kin nang maramdaman ang presensya ko. Pilit kong tinago ang totoo kong nararamdaman. Mas ginusto kong ipakita na wala parin ako sa kanyang pakialam, “Bumalik ako kasi nanghihinayang ako sa mga pagkaing niluto mo. Pero hindi ibig sabihin, pinapatawad na kita.”
Nasilayan ko ang matamis na ngiti sa labi nya. Mukhang hindi pa nga sya makapaniwala na nakatayo ako sa harapan nya. Tinitigan ko lang sya habang walang kaemo-emosyon ang aking mukha.
Hindi nagtagal ay natauhan ito. Dali-dali nyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha at nagmamadaling tumayo para alalayan ako sa pag-upo. “Sorry. M-Maupo ka.” Mautal-utal pa nitong pahayag.
Sinunod ko naman sya’t naupo sa tapat nya. Hinintay ko pa na makaupo na rin ito sa pwesto nya bago ko simulan ang pagkain. “S-Salamat ha? Salamat. Salamat talaga.”
I don’t know why pero nakaramdam ako nang awa habang pinagmamasdan ko ngayon ang asawa ko. Pansin ko sa reaksyon ng mukha nya ang sobrang saya pero kahit ganon mababanaag mo parin na sobrang bigat ng kanyang dinadala.
I saw dark circles under his eyes. Napansin ko rin na parang mas pumayat sya ngayon di gaya noong mga panahong magkasama kami sa isang bahay. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko’t inalok sya nang pagkaing kinakain ko. Without any word itinapat ko sa kanya ‘yung chopstick kong may laman-laman na gulay. Napatulala naman sya nang mapansin ‘yon. Nakatitig sya sa akin habang nagtatanong ang kanyang mga mata. Mukhang hindi sya makapaniwala sa aking ginawa.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias