~41~ Lies

204K 4.6K 582
                                    

~41~ LIES

 

CHLOE’S POV

 

|Dito na ako. Nasaan ka na, mhine?|

Yan ang text na nareceive ko galing kay Dustin. Kaya ako naman itong nagmadali na sa pagpark ng kotse ko sa parking lot ng lugar kung saan kami magkikita. Ilang araw na ba ang nakalipas nung umuwi kami ni Warren galing sa Baguio? 3 days na rin pala. Sa 3 days na yun, hindi man lang nagparamdam si Warren. Galit nga talaga siya sa akin dahil sa pakikipagbalikan ko kay Dustin. :(

Pero hindi ko muna ngayon dapat isipin si Warren. Ang importante, after 3 days, magkikita na naman kami ni Dustin. Kakauwi pa lang kasi ng boyfriend ko kasama ang girlfriend niya galing ng Baguio ngayong araw. Wow, how ironic. Ang boyfriend ko ay may girlfriend na iba. =___=

Bago pa ako maloka sa pinag-iisip ko ay tumakbo na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Dustin. At buti nalang, nakita kaagad siya ng mga mata ko na nakaupo dun sa hagdan hawak-hawak ang phone niya.

“Dustin!”

Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa direksyon ko. Agad-agad naman niya akong nilapitan at ikinulong sa mga bisig niya. Woah, kailangan may yakap agad?

“Tagal mo,” sambit niya with matching haplos-haplos pa sa likod ko. “Tumaba ka, mhine. Nagkalaman ang katawan mo.”

Tinulak ko siya ng dahan-dahan at ngumiwi ako sa kanya. “Pinaghintay ba kita? Akala ko ba 5PM ang usapan? Quarter to 5 pa lang ah.”

“I just arrived here few minutes ago,” tapos ay yumakap na naman siya sa akin. “Namiss kita. Ako, namiss mo ba?”

Napangiti nalang ako sa malambing na tono ng boses niya. “Huwag mo kong malambing lambing ng ganyan, Dustin ah. Hustler ka na talaga!”

“Hustler?”

Kumawala ako sa yakap niya at umupo sa hagdan kung saan siya nakapwesto kanina. Tumabi naman siya sa akin. “Ganyan din ang ginagawa mo kay Jenine for sure,” biro ko sa kanya. Well, I meant that joke. Gusto ko lang makita ang reaksyon niya. “Diba? O baka mas grabe pa?”

Tinitigan niya lang ako. Yung tinging puno ng lamig. As usual! “Hindi ko siya niyayakap sa publiko. Ni hindi ko rin siya hinalikan sa harap ng maraming tao.”

Umiwas nalang ako ng tingin pagkasabi niya nun at napangiti. Oha! Beat that, Jenine! Point for me. Hindi pa siya nakakaranas ng Public Display of Affection in Dustin’s version =))

SILENCE…

Walang umimik sa aming dalawa. Tanging mga jeep sa kalsada, bells ng mga nagtitinda ng ice cream, at kung ano-ano pang ingay sa paligid lang ang naririnig namin. Ewan ko ba. Bakit bigla akong naubusan ng sasabihin kay Dustin. Siguro kasi, sa tatlong araw na lumipas, lagi ko siya nakakatext, nakakatawagan o nakakachat online. GHAAAD! Ano bang pwedeng pag-usapan?   

“Kamusta kayo ni Warren?”  “Kamusta kayo ni Jenine?”

Naitikom ko ang sariling bibig nang nagkasabay kaming magtanong sa isa’t-isa. Pero ang mas matindi pa, parehas pa kami ng tanong. Bakit ngayon pa ako nailang? >.<

Ngumiti lang ako ng tipid. “Hindi naman talaga kami ni Warren eh.”

“Anong hindi?” Kunot-noong tanong niya. “Nagpanggap lang kayo? Nagsinungaling kayo sa amin?”

“Hindi noh’! Ganito kasi yun,” umusog ako ng kaunti sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. “—Nung nalaman namin na nandun din kayo sa Baguio, naging concerned siya sa akin. Nagvolunteer siya na maging boyfriend ko habang nandun kami sa Baguio para madestruct ako sa inyong dalawa ni Jenine. Habang nasa Baguio lang naman eh… Pag-uwi namin dito, balik magkaibigan nalang ulit kami!”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon