Chapter 127

1M 36.3K 27.7K
                                    

Mine

Jay-jay's POV

"Anyare sayo?" Bungad ni Edrix kay Keifer. "...Napa-away kaba?"

Tumingin sya sakin kaya agad akong umiwas. Guilty! Kasalanan naman kasi nya. Itulak daw ba ko papasok sa cubicle tapos----aarrggghhh!!!

Bumalak pa ng New Year Anu part two ang luko!

Kainis!

No choice ako. Kinagat ko labi nya at sinuntok sya. Sinipa ko din sya anu nya. Kaya eto sya ngayon, mukang sumuong sa away.

"Hindi... May nasalubong kasi ako'ng impakta." Sagot ni Keifer at lumakad palapit sa upuan nya.

Impakta daw?

Umiwas ako ng tingin. Kuwari wala akong alam sa nangyari sa kanya. Pero ang luko nananadya ata.

"You'll pay for this..." Bulong nya pagdaan sa harap ko.

Tinignan ko agad sya ng masama. Impakto eh! Hindi pala madadaan sa paki-usap tong tao na to. Kung mahirap syang kausap dati mas lalu na ngayon.

Tsk! Dapat naisip ko na yun una pa lang. Kainis!

Tumingin ako sa pinto ng room. Ayokong ubusin yung oras ko sa kakaisip sa kumag na to.

Wala pa din si Ci-N.

Anu na kaya nangyari dun? Gusto ko na tuloy syang puntahan sa kanila. Baka kung anu na ginawa ng Kuya nya sa kanya.

Naalala ko tuloy kung panu nya ko sigawan sa cellphone nun. Kulang nalang tumawid sya sa linya para lang masigawan ako ng harapan.

Hay...

Si Kit naman ang sunod kong hinanap. Nakasalpak sa tenga nya yung headset at parang walang paki sa nangyayari sa paligid nya.

Si Mayo, halatang gustong lumapit sa kanya pero nag-aalangan.

Lovelife pa more!

Dumating na si Sir Alvin. Nangamusta muna sya. Nagtanung kung panu namin cinelebrate yung pasko st bagong taon.

Hindi na sya nagturo at nakipag-kwentuhan nalang. Nakaka-miss din tong si Sir. Yung mahaba nyang pasensya samin at sa mga ulupong na to at yung pagsali nya sa mga kalokohan namin.

"...Nasimulan na nga pala ang plano para sa retreat nyo." Biglang sabi ni Sir.

Retreat?!

"Kasali pala kami dun?" Tanung ni Calix.

"Oo... Fourth year na kayo. Lahat ng students bago grumaduate kasali dun." Dagdag pa ni Sir.

Alam ko talaga may ganun sa mga fourth year na ga-graduate. Pero parang ang aga naman ata para pag-usapan.

"Kelan daw gaganapin?" Tanung nila.

"Wala pang date pero mas maaga yun sa usual na retreat. Nag-aalanganin kasi dahil sa post-final exam."

Post-final exam?

Humarap ako kay Yuri at kinalabit sya.

"Anu yung post-final exam?" Tanung ko.

"Meron kasing pang-lima'ng exam. Dun malalaman kung ga-graduate Yung student o hindi." Paliwanag ni Yuri.

Patay!

Bakit may ganun pa? Panu kung hindi makapasa? Edi hindi ga-graduate?

Kinabahan tuloy ako bigla. Hindi pa nga namin nararating third periodical examination tapos malalaman kong may ganun pala.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon