Chapter 2

343K 7.9K 386
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

'Ice'


Kasalukuyang nakatingin si Stone sa picture frame na nasa side table niya. It was a photo of a golden retriever and a little boy with yellow shoes. Tumingin siya sa mga certificate sa nakadisplay sa pader ng kwarto niya.

'This certificate is awarded to Ashton Bridger for showing excellence in coding and research skills'
'...for showing excellence in software programming'
'...for winning the Yokohama Coding Competition 2016'
'...for winning First Place in the Fukitsu Academy Judo Competition 2018'

All those judo training and I got beaten by a woman? Isip ni Stone at sumagi sa isip niya si Saph at ang mga nangyari kanina. He was not mad or disappointed that he got beaten by a woman. He was thinking that maybe all his training was not enough to beat a Tanaka.

It was not the first time that he saw her. He met her at a birthday party once, but Stone stayed far away from the Tanakas that time as he was only a child when his family told him to not be too friendly with the Tanakas. Si Nyx mismo ang nakipagkaibigan sa kanya sa party na 'yon. Nyx was always a social butterfly.

Sina Demo, Kiel, at Zack naman ay kaibigan na ni Stone mula bata pa sila. Their family businesses are affiliated with each other kaya natural na sa kanila ang magkasundo dahil magkasing-edad lang sila. Kiel was afraid of the Tanaka clan before he became friends with Nyx.

Si Stone ang unang naging kaibigan ni Nyx at siya na ang nagpakilala kina Demo noong sabay na silang sumasama sa family meetings at sabay naring pumasok sa parehong paaralan.

In Stone's eyes, Nyx was a walking diamond. Not only because he stands out from the crowd, but because people look at him like he's worth more than anyone at their school. Kahit Dela Vega ang dala-dalang apelyido nito, ang pagiging Tanaka pa rin ang lumalamang sa pagkatao niya.

"Stone!" napaaray si Stone dahil sa paghampas ni Demo sa kanya ng libro sa likod. Inis siyang tumingin sa tatlo na kanina pa pala siya tinatawag pero hindi ito sumasagot.

"Ano bang iniisip mo at parang hindi mo kami narinig?" tanong ni Demo. Tumango naman si Kiel na may band-aid na sa braso dahil nadaplisan siya sa ginawa nilang test kay Saph kanina.

"Hindi 'yan ang itanong mo, pre. Ang itanong mo, kung sino ang iniisip," pabirong sabi ni Zack na nakatingin sa salamin at sinusuri ang mukha niya.

"Oo nga, sino?" tanong rin ni Kiel na sa tingin ni Stone ay napasukan na ng masamang espiritu ang utak dahil palagi nitong kasama si Zack.

"Iniisip ko si Nyx, crush ko siya e," walang-gana na sabi ni Stone. "Ahh, iniisip mo 'yong kambal ni Nyx?" nakangiting tanong ni Zack kaya tinapon na ni Stone ang isang unan sa kanya.

"Oh, defensive mo naman," panunukso nito na nagpatawa kina Demo.

"Speaking of her, grabe pare. Malapit na akong matamaan sa pisngi sa kutsilyo na tinapon niya. Kung nangyari 'yon, magwewelga ang mga babae ko." Hindi na lang pinagkinggan nina Stone ang mga sinasabi ni Zack dahil sanay na sila sa pagiging mahangin nito.

"Alam mo, nawawala pagiging pogi mo dahil mahangin ka. Kung tahimik ka lang sana kagaya nitong si Stone at Demo o kung cute kalang gaya nitong si Kiel, edi sana hindi masagwa tingnan 'yang mukha mo."

Tumawa ng malakas sina Stone dahil sa sinabi noong babaeng kakapasok lang sa kwarto nila at may dalang apat na baso ng apple juice. She has the same eye, hair, and even hair color as Stone. Nakapajama ito at nakahalukipkip na nakatingin sa apat.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon