Chapter 6

225K 6K 337
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'Zero'


"I don't remember raising an idiot, Nyx."

Yumuko si Nyx at humugot ng malalim na hininga. Kasalukuyan siyang nakaluhod sa loob ng opisina ng lolo niya. Nakatalikod pa rin ito sa kanya at nakatingin sa labas ng bintana ng opisina niya.

"Dinala mo si Sapphire rito at sinama mo pa ang iba. You could've been spotted," anito.

"Anpa, I made sure that the security was tight," sagot ni Nyx pero narinig niya ang mahinang pagtawa ng lolo niya.

"You can never be so sure. Well, since you messed up, Sapphire is going to pay for your sins." Nanginig ang mga kamay ni Nyx saka siya yumuko at nagmakaawa.

"Please, Anpa. She's already suffering enough. Sa akin mo na lang po ibigay ang parusa," pagmamakaawa nito. Mahinang gumalaw ang kamay ng lolo niya pero huminto ito sa ere na parang nagbago ang isip nito.

"Sending her to Fukitsu is already a punishment as it is," sabi nito dahilan para mawala ang panginginig ng katawan ni Nyx dahil sa takot.

"I'm sending Tanaka guards to your mansion tonight. For all we know, the enemy has already spotted her. You're the reason why they spotted her, so you take responsibility for what's to come. I don't care if you or any of your underlings die. Just keep Sapphire safe," mariing utos nito.

Walang pag-aalinlangan na tumango si Nyx at pinatayo na siya ng lolo niya.

"Ahh, one more thing. A bear, really?" natatawang tanong nito.

"It was a gift from Imperial," sagot ni Nyx at pinagpag ang damit niya. Nakita niyang nag-isip ng malalim ang lolo niya kaya naghintay siya ng sagot. "Okay, I'll let her keep it. You may go," tumango si Nyx bilang sagot at umalis na.

Pagbalik niya sa bahay ng doktor ni Saph at nakita niyang natutulog na si Ice sa sofa at nakatunganga naman 'yong apat. "What did he say?" tanong ni Stone na nagpagising kay Ice.

"As usual, nothing much," sagot ni Nyx at pumasok na sa opisina ng doktor ni Saph. Naabutan niya itong nilalagyan na ng patch ang likod ng leeg ni Saph. "She's ready for the Med00," sabi nito.

Ikinuyom ni Nyx ang kamao niya sa narinig niya.

"That Med00 will be the death of her," inis niyang sabi at tumingin sa pinto noong pumasok si Ice na inaantok pa.

"She won't get the Med00 if I beat her to it, right?" inaantok nitong tanong dahilan para tumingin si Nyx sa kanya. Nakita niyang pumasok na rin si Stone at sinilip si Saph na pikit pa rin ang mga mata.

"Yabang mo magsalita. Anong ginawa ng Japan sa 'yo?" tanong ni Stone kay Ice.

"But my words were correct, right? If I beat her to it, she can't have it. We'll just make sure that we beat her," sabi niya. Kunot-noo namang tumingin si Stone sa kanya. 

"Since when did you start hitting girls?" taas-kilay na tanong nito. Natawa pa si Ice noong maalala niya na pareho sila ng sinabi ni Saph.

"Wow naman, Mr. Ashton Bridger. Madaldal ka na. Proud ako sa 'yo," Ice said sarcastically.

Stone ignored him at tinapik na ang balikat ni Nyx noong makita niyang kumunot ang noo ni Saph at gumalaw na ito. Agad namang kumilos si Nyx at tiningnan si Saph na gumigising na.

"Aki..." Natawa si Ice sa unang salita na lumabas sa bibig nito.

"Ang cute mo talaga," aniya at pinisil pa ang pisngi ni Saph dahilan para hampasin ni Nyx ang kamay niya. Hinintay nilang magkamalay si Saph at noong nakaupo na ito ay tsaka siya tumingin sa doktor niya at kay Nyx.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon