Chapter 35

473K 9K 6.3K
                                    

Chapter 35

"Tayo pa di ba?" I asked him. Bahala na. Pag sinabi niyang oo, then good. Pag sinabi niyang hindi, sasabihin ko na lang na lasing ako to save my goddamned pride. 

I silently waited for his answer. Damn it! Bakit ba masyado akong apektado sa paghalik niya kay Ynna? Ano'ng karapatan kong magselos gayong hinahalikan ko din naman si Andy? Naaapektuhan din kaya siya kapag nakikita niyang hinahalikan ko si Andy?

"May girlfriend ako." He said. Fck it. Ang sakit pala talaga. Lalo na pag nanggaling mismo sa kanya.

"Then break up with her."

"Then break up with him."

Fck it! Ano ba ang gusto mo, Cyriel?!

"I will, hiwalayan mo muna si Ynna." I said. Sinabi ko lang yun para matahimik siya, truth be told, hindi ko alam kung kaya ko bang gawin yung sinasabi ko. Isipin ko lang na wala si Andy sa tabi ko, hindi ko na alam yung gagawin ko..

He smirked, "Then deal with it, i am the one that got away."

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad with one hand in his pocket. Damn it, Cyriel! How arrogant can you get?!

"Tell me, ano ba ang gusto mo?!" I said with conviction. I didn't bother to shout kasi baka may makarinig sa amin.

"Hiwalayan mo si Andy. Don't make me say that again."

"G-give me time to think.." I uttered.

Hindi na siya sumagot, instead, tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad ulit.

It's been a week simula nung Pansol trip namin. Isang linggo na din simula nung sumasama sa amin si Cyriel. Isang linggo na akong naiinis.

"Don't tell me, affected ka pa din?" Tanong ni Sara.

"O-of course not!" Depensa ko naman, "Wala kasi si Andy eh. Wag mo na akong pansinin." I said.

Lagi kasing wala si Andy. Graduating na kasi siya kaya busy siya sa thesis niya pati defense. Nagccram na siya ngayon kasi nga lagi siyang nasa bahay namin dati kaya ngayon lang siya naghahabol para sa final draft at defense ng thesis niya. Aish. Nakakamiss din si Andy. Paano kaya pag grumaduate na siya? Ngayong end ng first sem pa naman yun.

"Speaking of Andy, graduating na 'yun di ba? If i heard it right, si Cyriel ay delayed ng 2 sems?" Tanong ni Sara. Oo nga noh, ngayon ko lang naalala.

"Oo yata. Narinig ko lang kay Dave yan eh. Hindi yata sila nag aral sa States." Sabi ko na lang. Kung hindi sila nag aral dun, ano kaya ang ginawa nila? Psh. 

"Tsk. Tsk." 

"Oh? Ano na naman ineemote mo jan, Sara?"

"Eh kasi ggraduate na si Andy tapos maiiwan pa dito si Cyriel. Baka mamaya may mangyaring kakaiba na naman, Dana. Nag aalala lang ako."

"Umayos ka nga. Kung anu ano iniisip mo." Sabi ko na lang. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Ngayon ngang hindi pa graduate si Andy, may nangyayari na. Ano pa kaya kung graduate na siya?

Pagkatapos naming mag usap ni Sara, binalik na namin yung attention namin kay Dave. Nagpplano kasi siya ng house party para sa aming magbbarkada lang. Kung iniisip niyo kung bakit ako tinatanong ni Sara kung affected ba ako, kasi naman, parang koala na nakalambitin si Ynna kay Cyriel. Nako, kung nandito lang si Andy, magpapaka tarsier din ako!

"Honeybabes, inuman na naman? Lagi na lang tayong umiinom eh. Nakakasawa na." Sabi ni Sara kay Dave. Tama naman, nakakasawa ng uminom. Pag lagi niyong ginagawa, nakakawala ng thrill.

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon