Chapter 128

954K 36.3K 28.7K
                                    

Roommate

Jay-jay's POV

Kanino to?

Ang laking maleta nito. Kasya yata ako sa loob. Eto na yata ang pinaka-malaki sa lahat ng nakita ko, pero kanino to?

Pagkadilat ng mata ko eto agad ang bumungad sakin. Namalikmata pa ko, akala ko kung anu.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Sinipat ko yung maleta at naghanap ng pwedeng pagkaka-kilanlan. Bubuksan ko din sana pero naka-lock yung zipper at may code pa.

Sinubukan kong itulak at ilipat ng pwesto. Sagabal din kasi sa daan.

Ang bigat!

Tao yata ang laman nito! Saksakan ng bigat, parang buong bahay ang nakalagay sa loob.

"Kanino ba to?" Inis na sabi ko.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Basta-basta nalang kasi napunta dito to ng hindi ko nararamdaman. Tinignan ko yung oras sa wall clock. Maaga pa naman.

Dumiretso ako sa banyo para mag-hilamos. Pagkatapos, nagpalit din ako ng damit. Lumabas ako ng kwarto at agad na hinanap sila Tita.

Baka kasi sila ang naglagay nun sa kwarto ko. Sa kusina ang tuloy ko, andun sila pag-ganto'ng oras at tapos ng mag-almusal. Malayo pa ko dinig na dinig ko na yung malakas na tawa ni Tita.

Binilisan ko yung lakad ko para kasing ang saya-saya nila. Pagpasok sa loob, napahinto ako.

Ci-N?!

"...luko kang bata ka. Hahahaha..." Sabi ni Tita.

"Gwapo naman po." Sagot ni Ci-N na nagpalakas pa lalo ng tawa ni Tita.

Pati si Tito na nagkakape natatawa na rin sa kanila. Kahit si Kuya, ngumingiti din habang napapa-iling.

"Hahahahaha... Kumain kana nga." Utos sa kanya ni Tita.

"Maya na po. Sabay na po kami ni---Jay!" Tawag nya sakin ng makita nya ko.

"Goodmorning Jay... Kumain kana. Sabayan mo na tong kaibigan mo." Sabi sakin ni Tito Julz.

Tinignan lang ako ni Kuya Angelo. Ayoko pa ding makipag-usap sa kanya. Bahala sya!

"S-sige po."

"Punta na po kami sa dining." Paalam ni Ci-N.

Naglakad na ko palabas ng kusina. Nakasunod naman sakin ang luko. Bago pa kami makapasok sa dining hinawakan ko agad si Ci sa kwelyo.

"Aw... Jay!" Sigaw nya.

"Luko ka! Anu'ng nangyari sayo?!" Inis na tanung ko pero may halong pag-aalala.

Sino ba naman kasing hindi mag-aalala sa batang kumag na to? Grabe! Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya----pati kay Keifer at Yuri.

"K-kasi..."

"Anu?! Anu ng nangyari sayo?!"

"K-kinulong ako ni Kuya eh." Halos pabulong nya'ng sagot.

Natigilan ako, binitiwan ko din sya at tinignan sa mga mata.

"...sabi nya ipapadala na daw nya ko sa London. Hindi ako pumayag kaya kinulong nya ko sa kwarto ko." Paliwanag nya.

Tsk!

Nakaramdam ako ng galit sa busit na kapatid nya. Hindi ata nag-iisip ang lalaki na yun. Ikulong daw ba si Ci-N?!

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon