UNTOLD SCENES

5.5K 75 8
                                    

UNTOLD SCENES

"Forever friends!" masiglang wika ni Lizia na nakaakbay sa dalawa niyang kaibigan na si Reinez at Emmiel. Matagal na silang magkakaibigan. Ngunit si Lizia at Emmiel ay magdadalawang taon nang magkasintahan.

"Yeah friends! Anyway, pwede ba kitang makausap?" ani Reinez sa dalaga.

Panandaliang nag-usap ang dalawa ng iwan sila ni Emmiel. Nanatili ang katahimikan ngunit nawala lang ito ng magsalita ang binata.

"Gusto kita Lizia." pag-amin ng binata na ikinagulat ng dalaga.

"Pero alam mo naman na magkaibigan tayo at kam koi ni Emmiel." paliwanag ng dalaga.

"Alam ko. Pero hindi ko mapigilan Lizia. Sa tuwing magkakasama tayo mas lumalalim ang pagtingin ko sayo." ani Reinez.

Naguluhan ang dalaga sa inamin ni Reinez. Hindi man niya aminin ngunit may panahon na naaattract siya rito. Alam niyang boyfriend niya si Emmiel at magkakaibigan silang tatlo.

Palihim silang nag-uusap ni Reinez. Hindi alam ni Lizia ngunit tila nagbabago ang ihip ng hangin at ang pag-ibig niya kay Emmiel ay nagbabago. Ang sanang dalawang taon nilang paggiging magkasintahan ni Emmiel ay nasira.

"Emmiel, ayoko na." ang mga salitang nagpawasak kay Emmiel. Saktong 2nd Anniversary nila ngunit ito ang maririnig niya sa kasintahan.

"Bakit?! May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan?" nanlulumong tanong ng binata.

"Sorry Emmiel. Ako ang may kasalanan. Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko kay Reinez habang tayo pa."

"Putangna! Si Reinez pala ang dahilan!" naiiyak na ani Emmiel. Gusto niyang sugurin kung nasaan man si Reinez at patayin ito.

"Sorry... Let's just break up."

Galit na galit siyang umalis palayo kay Lizia

'Akin ka lang Lizia, mamatay ka na sa kahayupan mo Reinez. Traydor.' ang katagang nasa isip ni Emmiel.

Sa pagdating ng ilang taong pagiging magkasintahan naman ni Lizia at Reinez ay ikakasal na sila at hindi dumalo rito si Emmiel. Hanggang sa dumating ang araw na nagkaanak ito ng isang lalaki. Hindi niya lubos matanggap na may anak na ang mahal niya. Naisip niya na bakit siya nagpapakamartir kung pwede naman siyang maghiganti?

Iyon ang oras na nagbago siya. Pinatay niya ang ama't ina ni Reinez.

Dumating ang ikalawang supling ng kaniyang mahal at sa pagdating ng araw ng panganganak nito ay naroon siya.

'Kukunin ko ang anak niyo.' ani ng isip ni Emmiel.

"Princess Freyazia ang ipapangalan natin sa kaniya." saad ni Lizia na narinig ni Emmiel.

Lihim siyang nagmamanman...

****


"H-hindi niyo po maaaring kunin ang anak ko." naiiyak na ani ng babae.

"Babayaran ka namin ng malaking halaga kapalit ng anak mo. Pagagalingin namin ang sakit niya at gaganda ang buhay niya." ani ng isang lalaki ng kung titingnan ay mukhang wala pang tatlumpung taon.

Hindi nakaimik ang babae na patuloy ang pag-iyak.

"Mamamatay lang siya kung hindi mo siya ibibigay sa akin. At mananatili siyang mahirap kung ikaw ang kasama niya. Ayaw mo ba no'n? Gaganda ang buhay ng anak mo." ani ng lalaki.

Naisip ng babae na tama ang sinabi nito. May sakit ang anak niya at ito lang ang paraan para humaba pa ang buhay nito. Ang ibigay sa isang mayamang tao na tutulong sa anak niya.

Pumayag siya sa kasunduan kahit masakit sa kaniyang kalooban ang desisyon. Pagkatapos ng pagpapagamot sa bata ay muli silang nakapag-usap ng lalaki.

"Saan ko siya iiwan?" ani ng ina ng bata.

"Sa Village ng mga Caviezel. Mayayaman ang mga tao sa lugar doon kaya paniguradong yayaman din ang anak mo. Ilagay mo ang papel na ito sa paglalagyan niya." may inabot ang binata na isang papel.

Princess Freyazia ang ipapangalan dito at February 19 ang kaarawan nito ngunit hindi talaga iyon ang pangalan at kaarawan ng bata.

Namumula na sa kaiiyak ang mata niya habang hinihintay na may kumuha sa anak niya. Isang matandang babae't lalaki ang kumuha rito.

"Sana tama ang desisyon ko na ibenta ka kay Emmiel para sa kapakanan mo, anak." mahinang bulalas ng ginang habang patuloy parin sa pagtulo ang luha niya.

**

Who wants to have Zeiner's story? Comment niyo kung gusto niyo! I'll try - Essecura

🎉 Tapos mo nang basahin ang Unveiling the Secrets of the Innocent Princess 🎉
Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon