HE'S INTO HER

5.1M 87.5K 290K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HE'S INTO HER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HE'S INTO HER

DEIB LOHR'S POV

HINDI KO malaman kung paanong titingnan nang deretso si Taguro matapos ang hindi mapangalanang sandali sa pagitan namin. Nararamdaman ko ang paningin niya, nakapako ang mga mata niya sa akin. At halos bumaon naman ako sa kinatatayuan dahil sa lintik na kahihiyan. Sa isang iglap ay nagkabaliktad kami ng sitwasyon ni Taguro. Parang alam ko na ngayon kung ano ang naramdaman niya matapos kong papakin ang Bataan niya.

Noon pa lang bumabalik sa normal ang mga nanindig kong balahibo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. At hindi nagbabago ang nanghihina kong mga tuhod. Ang nakakakiliting pakiramdam sa kalooban ko ay nandoon pa rin. At nasisiguro kong si Taguro lang ang makagagawa niyon, iba ang epekto!

Nasapo ko ang aking batok at mariing napapikit. Tahimik akong bumuntong-hininga at sadyang napakabigat niyon. Nagkalat ako at wala ako maski katiting na lakas ng loob na linisin iyon ngayon. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gusto kong ipakita sa kaniya. Nilalamon ako ng matinding kahihiyan!

"Ano'ng pakiramdam?" bigla ay tanong niya!

Natigilan ako at agad na kinabahan. Napapalunok akong sumulyap sa kaniya. "What?" kunot-noo ngunit mahinahong tugon ko.

"How does it feel?" malambing niyang tanong. At kung hindi ako nagkakamali ay sinasadya niya iyong haluan ng landi, nang-aasar.

I must admit that my brain is still in its subconscious state. We are here, I can see and touch her, but my mind wanders in an ocean of ecstasy. There's a feeling of exhiliration. What she did was unworldy. It's like we're sharing souls and energy.

Napatitig ako sa kaniya at hindi nakapagsalita. Dahil sa sandaling iyon ay naisip kong ganoon pa lang ang ginawa niya, ano pa kaya ang mararamdaman ko kung higit pa ro'n ang aming ginawa?

I have done that myself out of necessity, well, curiousity at first, but the pleasure and satisfaction were far different. But Maxpein's way made her my most wanted alternative to euphoria.

"Woi," untag niya. "Bakit namumula ka?" tila natatawa siya.

Humugot ako nang malalim na hininga ngunit bumara lang 'yon sa lalamunan hanggang sa dibdib ko. Hindi ko nagawang magsalita, masiyado talaga akong nahihiya. At dahil sa nanunuyang titig niya ay gusto kong takpan ang mga mata niya. Nawala ako sa sarili ko at hindi ko malaman kung paanong babalik.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon