Chapter 18

19.7K 631 297
                                    



Zoe's POV

"Mga baliw na talaga sila." sabi ni Ate Ella habang pinapanood ang mga kaibigan namin na sumasayaw sa dance floor.

Natawa ako kasi totoo naman. Parang mga baliw yung mga kaibigan namin na sumasayaw sa dance floor. Yung tugtog Versace on the Floor tapos inaacting nila yung bawat lyrics, yung iba sumasayaw na parang ngayon lang nakasayaw sa sobrang hindi marunong sumayaw.

"Hon sayaw tayo." sabi ni Ate Joey kay Ate Ella. Nakalahad pa yung kamay nito sa harap ni Ate Ella.

"Ayaw ko hon! ayokong magmukhang baliw kasama ng mga 'yan." sabi nya at nag-pout. Natawa naman si Ate Joey at sya na mismong nanghila kay Ate Ella.

"Wala akong sinabi na sasayaw tayo ng katulad nila." hinila na ni Ate Joey si Ate Ella sa dance floor. Iniligay ni Ate Joey ang mga kamay ni Ate Ella sa balikat nya at sya naman sa waist ni Ate Ella tsaka sila sumayaw ng dahan-dahan. Bigla akong kinilig sa kanilang dalawa. Ang sweet lang kasi.

"Pwede ba kitang maisayaw?" napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Torey pala.

"Nako ayoko, hindi ako marunong sumayaw. Parehas kaliwa ang paa ko. Tsaka ayaw mo bang magpahinga? parang nakainom ka na." pagtanggi ko dahil nahihiya akong sumayaw.

"Okay pa ako. Ako bahala sayo. Please?" ayan nag-please na sya. Napakamot ako ng ulo.

"Baka maapakan ko lang yung paa mo, hindi ka pa makalaro." sisihin pa ako nito kapag hindi sya makalaro.

"Hindi 'yan, sige na Zoe oh." nagmamakaawang sabi nya habang naka-pout. Hays...sige na nga, baka maiyak pa 'to.

"Hindi ko na kasalanan kung mamaga 'yang paa mo ah?" sabi ko at inabot ang kamay nya. Napangiti sya.

"No problem. Tara?" tumango ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa dance floor. Napalitan na ng slow music ang kanta kaya yung mga baliw kanina ay umalis na pero yung iba hinatak ang mga gusto nila isayaw.

Iniligay ko sa balikat ni Torey ang mga kamay ko at sya naman sa bewang ko. Tinitigan ko si Torey. Ngayon ko lang sya napagmasdan ng malapitan. Kahit na lalaki na ang itsura nya ay kapag tinitigan ito ng matagal ay mahahalata na babae sya dahil sa haba nyang mga pilik mata, mga kilay nya na hindi gaano kakapal, ang ilong nyang matangos, ang medyo namumulang mukha nya dahil siguro nakainom na at syempre ang mga labi nyang kulay pink na kapag tinikman mo ay siguradong malambot.

Natauhan ako sa pagtitig sa mukha nya nung bigla nya akong halikan sa noo. Tumagal 'yon sa noo ko kaya napapikit ako at tama nga ako, malambot nga talaga ang mga labi nya. Tinignan ko sya ng nagtataka bakit nya ginawa 'yon nung lumayo sya.

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa labi ko eh." sabi nya. Namula ako.

"Grabe hindi ba pwedeng denedescribe lang kita?"

"Or you just checking me out?" may pilya sa mga labi nyang tanong.

"Oy! feeling 'to, hindi kaya." grabe talaga 'to, denedescribe ko lang sya eh.

"Yeah whatever Ms. Zoe." nakangising sabi nya. Ayaw nyang maniwala sakin. Napanguso tuloy ako pero nagulat ako nung halikan nya na naman ako pero ngayon ay sa labi na. Saglit lang 'yon hindi katulad sa noo.

"Why did you do that?" takang tanong ko sa kanya.

"Akala ko gusto mong magpahalik eh." napanganga ako at hinampas sya. Natawa naman sya.

"Ewan ko sayo." napangiti na lang ako sa kalokohan nya. Ngumiti na lang din sya at nilingon kung saan nakapwesto ang mag-asawa.

"Mukhang hindi nakatiis yung dalawa." nagtaka ako kaya nilingon ko rin pero wala ang bagong kasal akong nakita. Nagets ko agad ang sinabi ni Torey.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon