TDKQ: 10

18.8K 379 19
                                    

Chapter 10: Partners

"Ano ba ang meaning ng Elemental Guardians Cheskah?" Saad ko sa kanya habang sinasamual ang Ice cream na hawak ko.

"Ah ayun ba? Ayun ang mga Nakatalagang tao na magbabantay at magproprotekta sa Elemental Goddess also know as the Goddess of Light and Darkness" sabi niya habang naglilipat ng channel.

"Nasaan ba yung Goddess na iyon?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Ang sabi lang ay magbabalik siya. Hindi namin tiyak kung kailan basta malapit na" saad niya. Madami pa akong gustong itanong sa kanya.

"Eh para saan ang brooch na ito" sabi ko sabay turo sa brooch na naka kabit sa cloak ko.

"Ah ayan ba? Ayan ang nagpapakita kung ano ang kapangyarihan mo. Hindi mo palagi susuotin iyang cloak natin kapag may bisita lang para malaman nila na tayo ang Elemental Guardians"

Oooooooh ganon pala iyon?

"Tama na nga iyang pagkwekwentuhan natin. Babalik na ako sa palasyo. Sige" sabi ni Cheskah pero bago siya umalis niyakap ko muna siya at hinatid papalabas ng Academy.

Haaaaay! Nakakapagod ang araw na ito.

***

*krrrriiiiiiiiiiiiing!*

Pinatay ko agad ang orasan ko.
At bumangon na agad.

Naligo na ako at nagalmusal. At dumeretso na sa classroom.

Huwag ko na daw hintayin si Cheskah. Mauna na raw ako. Kaya ito ako ngayon nakaupo walang ginagawa. Nakakatamad naman magbasa. Makakapal at hindi maintindihan ang mga libro dito.

Bumukas ang pintuan.

At iniluwa noon si Anna at si Hanna  na as usual nag aaway parin.

"Good morning!" Saad ko.

"Oh! Goodmorning din!"
"Goodmorning! Aga yata natin ah?" Bati nila pero ngumiti na lang ako. Hinawakan ko ang

Dibdib ko na kumikirot.

B-Bakit m-masakit?

"Ayos ka lang ba Franxine gusto mo Dalhin kita sa infirmary?" Saad niya.

"N-Nako h-huwag na. Ayos lang ako"

"S-Sigurado ka ba Franxine? Kinakabahan ako para sayo"
Tumango na lang ako at umupo ng maayos.

Bumukas ulit ang pintuan iniluwa noon sina Cheskah, Ivan at Traves.

"Waaaaah! Goodmorning Franx!!!" Bati niya sa akin.

*DUUUUG!*

Napahawak ulit ako sa aking dibdib.

"Mahal ko...... h-huwag mong gawin ito"

"Pasensiya na pero kailangan ko mahal ko. P-Pasensiya na"

A-Ano ito? V-Visions?

"Ayos ka lang ba?" Saad ni Cheskah ang dalawang hari ay nakatingin na rin sa akin.

"Ah... oo mag c cr lang ako" paalam ko at lumabas na.

"Mahal ko huwag mo akong iwan please! Hindi ko kaya na wala ka!"

Arrrrrgggh! stupxd visions!!!

Pumasok na ako sa restroom at tiningnan ang itsura ko sa salamin.

May pumasok pa na mga babae at namumukaan ko sila. Si Stacey at yung isa na I dont know her name.

"Look whos here... ang bukod tanging at nag iisang panget na miyembro ng Elemental Guardians" saad nila at sabay humagalpak ng tawa. Hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na.

The Demon King's Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon