Chapter 19

19.1K 616 110
                                    



Zoe's POV

Grabe yung mga seniors. Kakatapos lang ng kasal nila Ate Kill kahapon pinagtraining kami agad ngayon. Parang mga hindi nagkaroon ng hangover o puyat dahil sa party. Cool na cool pa rin silang nagwa-warm up habang kaming mga rookies at ibang Miracles ay tamad na tamad na gumalaw at parang mga rock star na panay ang headbutt dahil inaantok pa.

"Kill...bakit pati tayo kasama sa training ng mga 'to?" inaantok na tanong ni Ate Ashley na sya ang pinakasabog sa lahat.

"Kaya nga 'di ba dapat nasa honeymoon kayo?" tanong ni Ate Elli.

"Hey Kill, kamusta first night nyong mag-asawa? may thrill ba si Avey habang nag-aano kayo?" mahalay na tanong ni Ate Sam. Nakatanggap naman sya ng paltok kay Ate White kaya natawa kami sa kanya.

Nagtaka kami nung ngumisi lang si Ate Kill at tinignan si Ate Avey na namumula ang mukha na hindi makatingin samin. Mukhang hindi si Ate Avey ang nagbigay kay Ate Kill ng thrill sa honeymoon nilang dalawa.

"Tama na 'yan. Mag-umpisa na tayong magjogging." sabi ni Ate Ella. Napaungol ang iba dahil ayaw pa nilang kumilos pa. Miski ako ayoko pang gumalaw at mas gustong matulog sa room eh.

"Kill, kailangan talagang kasama tayo?" tanong ni Ate Ashley ulit.

"For your information, Miracle tayo at hindi Dragon Empire." sabi ni Ate Dom.

"Dami nyong satsat, ayaw nyo 'yon? mararanasan ninyong ang training ng Dragon Empire." sabi ni Ate Anya.

"Ayaw namin bakit?" sabay-sabay na sabi ng Miracle kaya natawa kami.

Wala kaming nagawa kundi magsimulang magjogging kahit na ayaw namin ay hindi pwedeng hindi kami sumunod sa kanila dahil matinding parusa ang ibibigay nila samin. Napapahikab na lamang ako habang tumatakbo ng mabagal. Ako ang nahuhuli saming lahat dahil talagang inaantok pa ako. Yung iba mukhang nagising na dahil nag-iingay na sila.

Pinagmasdan ko ang mga kasamahan ko na tumatakbo. Yung ibang magpartners na naglalambingan pa talaga sa daan. Yung iba naman na walang partner ay nag-iingay lang. Hinanap ng mga mata ko si Japan. Nakita ko naman sya sa gitna kasabayan nya sila Louise at Jayden. Napangisi ako na hindi talaga lumalayo si Jayden kay Louise. Nailing ako.

Nasa likuran naman nila si Torey na katulad ko na mukhang inaantok pa dahil panay ang hikab nya. Siguradong may hangover din 'to pero dahil kailangan magtraining ay no choice sya kundi tiisin ang antok.

"Okay ka lang Alexa?" napatingin ako kanila Alexa at Aj na nahuhuli rin katulad ko.

"Inaantok pa ako." halata sa boses ni Alexa na inaantok nga sya. Tinawanan lang sya ni Aj.

"Halata nga. Ano bang ginawa mo at napuyat ka? Sa pagkakaalam ko ay maaga kang bumalik ng hotel." sabi ni Aj.

"Hmm..." napangiti ako sa sagot ni Alexa. Wala pa sya sa wisyo nya.

Naalala ko na may utang pa pala ako sa kanya ng breakfast. Hindi ko talaga alam kung nauto ba ako nito. Nagbibiro lang naman ako na sana hindi sya magustuhan ng taong gusto nya. Lagi kaming nag-aasaran kaya nagbiro ako ng ganon. Hindi ko naman alam na seseryosohin nya. Siguro dahil may tama na rin sya kaya ayun sineryoso.

"Oh okay ka lang?" tanong ko dahil biglang tumigil si Alexa sa pagtakbo eh kasunod nya lang ako kaya napatigil na rin ako at tsaka napahawak din sya sa ulo nya kaya natanong ko kung okay lang sya.

"Anong nangyari?" tanong ni Aj na tumigil na rin pala sa pagtakbo.

"Ewan ko nga eh." tumingin ako kay Alexa na nakapikit. Napansin ko na tila namumula ang mukha ni Alexa. Hinawakan ko ang noo nya at laking gulat ko na lang na mainit sya. "May lagnat ka, Alexa!" sigaw ko at hinawakan sya sa balikat para hindi sya matumba.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon