TDKQ: 11

17.6K 420 1
                                    

Chapter 11: exchanged

Nasa room na ako ngayon.

"Cheskah! Natapos mo na ba ang potion niyo?" Tanong ko.

"Ha? Ay... oo natapos na namin kagabi. Nag invent kami ng potion. Ngayon lang namin malalaman kung anong klaseng potion ang ginawa namin" saad niya.

"Ahhhh. Ganoon ba? Okay" sabi ko na lang.

Hinihintay ko ngayon si Ivan dahil dala niya ang potion na ginawa namin kagabi.

Hindi nga namin alam kung anong potion iyon.

*creeeeeeek!*
*Blag!*

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan at doon ko nakita ang love of my life ko haha. Joke lang. Si Ivan dala dala yung potion namin.

Yung iba naming kaklase ay pumasok na rin kaya kumpleto na kami guro ng lang ang kailangan.

*creeeeeek*

Speaking. Nandito na pala ang teacher namin.

*blaaaag*

"Okay without further do lets test your potions. Para may thrill kayo ang iinom niyan. Dont worry syempre kasama niyo ang mga partner niyo and also dont worry kasi incase na lason ang nagawa niyong potion may healer naman" saad niya.

"First Group! Cheskah and Briana"

Tumayo silang dalawa at pumunta sa harapan. May maliliit na dalawang bote ang hawak ni Cheskah.

"You may start now" saad ng guro.

Tumango si Cheskah at ininom nila ang potion haggang sa......

O_____________O

Ang cute! Ang kyu-cute nila ahhhhhhhhh!

Naging bata kasi sila!

"Oh! Very good that potion is called Young potion! I'll give you an A+!" Nagpalakpakan kami inabutan ng teacher ng isa pang potion si Cheskah at Briana. Ininom nila ito at nagbalik ang kanilang itsura nang pabalik na sila. Nag thumbs up ako kay Cheskah and she chuckled. Hihihi ang cute talaga niya!

"Next Group! Traves Releno and Hanna Dera!" Sabi ng guro at tumayo silang dalawa. Halata sa mukha ni Hanna na kinakabahan siya kaya nag cheer ako para sa kanya.

"Tss. You're too noisy" sita sa akin ng isang ahas.

Tsk! As if naman na makikinig ako sa kanya! Hindi porket na hari siya eh ano ano... basta ano!

Ininom nila Traves at Hanna ang potion nila sa una walang nagbabago hanggang sa unti unti silang lumulutang. Gaya ng kanina nakakuha sila ng 'A+'

"Nest Group Anna Dera at Liana Hiyirana!"

Katulad ng ginawa ko ay nag cheer ako para sa kanila.

Pumunta sila sa harapan at ininom nila ang potion. At bigla silang naglaho potion ng invisibility ang ginawa nila sabi ng guro 'B+' lang nakuha nila dahil ordinaryo lang ang potion na ginawa nila.

"Next Group! Ivan Fiero and Parisha Franxine Quina!"

Kinabahan ako nang tinawag kami ng guro.

What if hindi tumalab?

What if lason pala ang potion na ginawa namin?

What if makakuha kami ng F?

What if?

"Dont be nervous... tss" saad ng lalaki ito.

Pumunta na kami sa harap tumango ang guro namin bilang GO signal bago ko inumin ang potion tiningnan ko si Ivan.

The Demon King's Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon