Chapter 34 ♥ Pietr's Confession

33.2K 379 52
                                    

Gusto kong i-greet ng belated happy happy birthday ang aking dalawang sweet readers ko names Lanidel and Angela!! :D Pasensya nahuli ako pero happy birthday sa inyo!! Angela nakalimutan ko na watty name mo kaya message mo na lang ako! :D Lanidel yung gift dedication mo sa next UD ah! ^O^)/ Heypi bertday uliiiit!!! Godbless always and keep inspiring! Mwuah! 

♥♥

Serene's POV

Kanina pa kami takbo ng takbo ni Pietr. Sa sobrang tagal, hindi ko na maabot ang hininga ko dahil sa sobrang pagod. Halos harangin kami ng mga fans nya. Mabuti na lang at mabilis kami. Idagdag mo pa ang gang ni Deck na hanggang ngayon ay ayaw magpaawat. Talon dito, talon doon. Suntok dito, suntok doon. Wala ba silang balak na tantanan kami? 

"Dito tayo." Hinila ako ni Pietr sa palabas ng school. Sa bulsa ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko naman ito masagot-sagot dahil sa patuloy naming pagtakbo. 

"Hoy Pietr sabihin mo nga sa akin. sinasadya mo bang ipahamak ang sarili mo ha? Bakit hindi mo sinuot ang contacts mo!" Iyon na nga ang nag-iisang disguise nya hindi pa nya isinuot. 

"I'm just about to. But I forgot. " he grinned at me. 

Aba akala ba nya may nakakatuwa sa ginawa nya? Lumuwang na nga yata talaga ang turnilyo sa utak nya! 

Paliko na kami sa isang hallway pero bago pa man tuluyang makadaan, hinila ako ulit ni Pietr para magtago sa kabilang pader. Sa daan sana na dadaanan namin ay ang grupo ni Deck, aligagang aligaga sa paghahanap sa amin. Doon sana kami sa kaliwa tatakbo para magtago pero naroon na ang mga fans ni Pietr. Naipit kami sa gitna kaya hindi ko maiwasang mabahala. 

"Teka saan na naman tayo pupunta?" biglaan na naman kasing hinigit ni Pietr ang kamay ko.

"Just follow me." Tumingin sya sa akin, wala na ang nakakalokong ngisi na palagi kong nakikitang nakaguhit sa mga labi nya. Ang ngiti nya sa akin ay puno ng sinseridad. Puno ng emosyon na hindi ko maintindihan. Sa isang ngiting iyon ay ang pakiramdam na ligtas ka. Na kahit anong mangyari, hindi ka nya pababayaan at mapagkakatiwalaan sya. 

Tumango ako sa kanya. 

Dumiretso kami sa kung saan saang pasikot sikot ng school na sya lang ang nakakaalam. Pero kahit anong gawin namin, tila ba malakas ang antena ng pakiramdam ng mga taong humahabol sa amin. 

Pumasok kami sa isang pinto at hingal itong isinara. Noong akala ko ligtas na ako, nagkamali pala ako. Ang pinto na napasok namin ay isang men's washroom sa labas ng school. Dito nagpapalit ang mga players sa tuwing natatapos ang practice nila. 

May narinig kaming yabag ng mga paa pati na rin ang mga sunod sunod na tawanan. Hinila ako ni Pietr papalabas pero huli na ang lahat. Papasok na ang mga estudyanteng lalaki para magpalit. Tahimik na napamura si Pietr.

Binigyan ko sya ng isang naaalarmang tingin. Ano na lang ang iisipin nila kapag may nakita nila akong nasa loob ng men's washroom?! 

"No matter what happens, don't say anything okay? Just follow my lead." kalmado nyang wika sa akin. Tatanungin ko pa lang sana kung ano ang ibig nyang sabihin nang bigla na lang nya akong itinulak sa may pader. Inilapat nya ang dalawang kamay dito, sa magkabilaang gilid ng ulo ko. Hindi ako makawala dahil nakakulong ako sa mga bisig nya. Masyado syang malapit. Hindi ako makahinga. Nang wala pang isang kisang mata, ilang sentimetro na lang ang pagitan ng mga labi namin sa isa't-isa. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko. 

Kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto. Nagsipasukan ang mga lalaki.

"Whoa there! Grabe naman itong dalawang 'to. Kung maghahalikan lang din pala kayo, doon na sa labas!" wika ng mga ito. Halata ang gulat, pagka-irita, tuwa, at puno ng pagtataka sa mga boses nila. Hindi ko sila nakikita at mas lalong hindi nila ako nakikita. Salamat kay Pietr, na itinago ako sa paningin nila. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon