Chapter 9

1.7K 65 11
                                    


Chapter 9 - Nobody


"Ang haba ng hair mo bes! Isang Jacin Mendes ang nagdala sa'yo dito at isang Miles Devane naman ang bibisita sa'yo?! Penge nga ng hair para humaba rin ang akin!"

Natawa ako dahil sa sinabi ni Roxy. He really does know how to cheer me up.

"Ano Bes, pinopormahan ka ba ni Miles? Hindi ba sabi mo siya rin ang nagligtas sa'yo kay Ayu last time? At ang nagdala sa'yo sa Pyxie Point?"

"Bes, hindi niya 'ko pinopormahan. Tinulungan niya lang ako."

Pinaikot ni Roxy ang mga mata niya, "Si Miles Devane ang pinag-uusapan natin dito, Bes. Alam mo namang malakas sa chicks 'yon."

"Hindi naman ako chicks, eh. Mabait lang talaga siya."

"Mabait siya sa lahat ng babae niya."

"Bes naman, tinulungan niya ako dahil tinulungan ko si Jacin." Paliwanag ko, hindi napigilang mapangiti. "At ang sabi niya pa, gusto niya raw ako para kay Jacin."

"Really? Sinabi niya 'yon?" Naningkit ang mga mata ni Roxy, "Hindi kaya ginagamit lang niya si Jacin para mapalapit siya sa'yo?"

"Tigilan mo na nga si Miles, Bes! Mabait 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ako ang gusto niya para kay Jacin? Eh walang-wala naman ako kompara kay Ayu. Hindi ako maganda—"

"June, maganda ka okay? Medyo ibang level lang talaga ang ganda ni Ayu. Pero ikaw, maganda ka rin. Kailangan mo lang ng confidence."

I know he's trying to encourage me, pero nagpatuloy ako. "Hindi ako mayaman, alam ni Miles 'yon dahil siya mismo ang sumundo kay Jacin sa bahay."

"Kung sa pagmamahal lang naman ang usapan, mahirap pa sa daga 'yong si Ayu! Talong-talo mo ang bruhang 'yon! 'Wag mo i-compare ang sarili mo sa kanya, Bes. Magkaiba kayo! Hindi porque naging sila ni Jacin dati, eh magkokompara ka na."

Napayuko ako, "Sorry Bes, hindi ko maiwasan eh."

"Hindi mo naman kailangang maging katulad ni Ayu para magustuhan ka ni Jacin. Iniwan niya nga si Jacin, e! Hindi dapat gano'n, Bes!" Bumuntong hininga si Roxy dahil ang lungkot pa rin ng itsura ko.

Ang hirap kasing ngumiti ng pilit.


Nagdaan ang mga araw, hindi ko pa ulit nakikita si Jacin. Minsan na lang siya dumaan sa classroom namin ngayon. Pakiramdam ko hindi siya pumapasok sa mga klase niya. Tuwing dadaan kami ni Roxy sa Pyxie Point, nakaparada naman sa tapat ang kotse niya. Nagtanong din si Roxy sa friend niya na classmate ni Jacin sa section A, pero ilang araw na daw itong hindi pumapasok.

Ang sabi pa sa'kin ni Miles, minsan lang din daw pumunta ng Pyxie Point si Jacin.

Pumupunta lang yata siya ng school, pero hindi pumapasok at nagpapakita.

Hindi ko naman siya magawang hanapin kahit pa gusto ko. Kailangan kong maghanda at mag-aral dahil next week na ang exams. Kailangan kong galingan. Pwede kasing mag-request ng transfer ang mga nasa lower section, sa section A kung mas magiging mataas ang grades mo sa kanila.

Halimbawa, ang naging overall grade ko for the first quarter ay 95, at meron sa section A na nakakuha ng 94, pwede akong mag-request na makipag-palit ng section sa kanya for the second quarter.

Pero very consistent ang mga students sa section A, nasa middle school pa kami, section A na sila at halos wala namang bumababa sa kanila. Wala ring may gustong magpalipat sa section na 'yon, dahil ayon sa mga naririnig namin ni Roxy, pahirapan daw talaga doon at matindi talaga ang kompetisyon.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon