Chapter 45: Cancel Mission

3K 107 3
                                    






~*~




(Cashmere's POV)


Nakatulala kong pinagmamasdan ang isang diwata sa aking harapan. Hindi magsink-in sa utak ko lahat ng pangyayari. Yung pagkuha sa akin ng isang pwersa at ipinasok ako sa kung saan, at higit sa lahat sa mga nakita ko sa paligid kanina! Sheyt! Para akong nasa loob ng Lireo sa gitna nga lang ng Maze (-____-). Aish. Aigoo!

"Malaking kaganapan at parte ang iyong maihahatid sa Dark Magicians, Cashmere."

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng biglaang magsalita sa aking harapan si Cristina, ang diwata sa aking harapan.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ang gulo eh.

"Maraming mga sikreto ang nakakubli sa lugar na ito Cashmere, at marami ring sikretong pilit itinatago." Mahiwagang sambit na naman nito.

Lalo akong napakunot noo sa mga sinasabi nya. Hindi ko talaga sya gets eh. Lols (>.<) kaway!

Pero seryosong usapan lang ah, ano bang pinagsasabi nya? Anong kaganapan? Parte ko? Wut? Mga sikreto? Huh? Eh naman oh! Wala akong magets! Hindi mo talaga ako maaasahan sa ganitong mga bagay. Pasensyahan na lang okies?

"Sumama ka sa akin." Pagyaya nya sa akin habang nakalahad ang kanang kamay, tinanggap ko naman ito at nakaramdam ng panlalabo sa paligid kaya napapikit ako ng makailang beses, at nang idilat ko na ito napanganga na lang ako sa nakita.

Nakalutang kami sa himpapawid habang ang nasa ibaba namin ang isang maze, eto yung maze kanina, yung nakapalibot sa tahanan ng diwatang to. Nakakapit pa rin ako sa kamay ni Cristina habang pinagmamasdan ang maze sa ibaba.

"Bat tayo narito?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Kailangan nating sunduin ang iyong mga kaibigan Cashmere, bago pa man sila mapadako sa kuta ng mga Dark Magicians."

Diba yun ang misyon namin? Ang mahanap ang kuta ng mga Dark Magicians! Nagtataka ko syang tinignan, dahil alam kong alam nya na na iyon ang misyon namin dito.

"Hindi pa ito ang takdang panahon Cashmere kaya ko kayo pinalito sa isa kong kaibigan na si Smoke upang h'wag sana kayong tumuloy ngunit dumating si Minerva."

"M-Minerva?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Damn! I need answers! Masyado na akong naguguluhan sa mga pangyayari!

Tanging ngiti lamang ang sinagot sa akin ni Cristina bago sya may iturong isang parte ng maze. Nanlalaking matang pinagmasdan ko iyon. Tumatakbo sila Captain Rence na tila'y may isang humahabol sa kanila.

"Cristina! May humahabol sa kanila!" Sigaw ko sa kanya bago pilit kumakawala sa kanyang pagkakahawak.

"Huminahon ka Cashmere, walang humahabol sa iyong mga kaibigan, kundi sila ang may hinahabol."

Lalo naman akong naguluhan sa kanyang sinabi na ikinangiti nyang muli.

"Hinahabol nila ang isang anino na tyak na isa sa alagad ni Puppet."

Winagayway ni Cristina ang kanyang kaliwang kamay at mayamaya, may namataan akong itim na nasusunog. Para itong anino err anino nga talaga at nasusunog ito! Okay nasusunog nga, paulit-ulit lang.

Huminto naman si Cap Rence at ang iba pa sa pagtakbo at bakas sa kanila ang pagtataka, ilang sandali pa'y nakita ko na silang nagtatalo na ikinailing ni Cristina.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon