Chapter 133

877K 35.5K 41.5K
                                    

Kiss

Jay-jay's POV

Isinusumpa ko to'ng Hari ng mga Ulupong na to!

Ninakawan na naman nya ko ng halik. Ang masama sa harap talaga ni Yuri. Yung mga wala'ng saysay na ulupong naman naka-tanga lang samin.

Kainis!

"Yuri..." Tawag ko sa kanya.

Kanina nya pa ko hindi pinapansin. Nagalit ata dahil sa ginawa ni Keifer kumag. Lagot!

"Hm?" Tinignan nya ko sandali tapos bumalik sa notes na kaharap nya.

"Uy..." Tawag ko ulit sa kanya. "...Bakit hindi mo ko pinapansin?"

"Kasi nag-aaral tayo."

"Weh? Bakit dati----"

"Ms. Mariano, may gusto kabang i-share sa klase na to?" Tawag sakin ng teacher.

Agad akong umiling at umayos ng upo. Ayan! Kinagalitan na ko ng teacher. Grabehan! Si Yuri kasi, ayaw akong pansinin.

Tinignan ko sya sandali. Inayos nya yung notes nya at nagbuntong hininga.

Gusto ko pa sana sya'ng tanungin ulit. Kayalang baka makagalitan na naman ako ng teacher. Tinignan ko yung notes ko'ng puro guhit lang ang laman. Hindi kasi ako ngsulat, hindi naman kasi ako nakikinig.

Tumilas ako ng kapiraso at sinulatan yun.

'Yuri kasi!' sulat ko dun sa papel at tinupi yun at mabilis na inabot sa kanya.

Alanganin pa sya nung una kung tatanggapin ba nya o hindi. Tumaas pa isang kilay nya bago ako tignan at sagutan yung papel.

Mabilis nya'ng binato pabalik sakin yun.

'Please! Pay attention to our lesson and not on me.' sagot nya.

Touché!

Sakit ata! Tagos sa kalaman-lamanan. Benggal ako dun ah. Okay, dahil napahiya nilukot ko nalang yung papel at tinapon sa bag ko.

Nakapanga-lung-baba pa kong humarap sa board. Kainis! Yung nag-effort ka tapos pinahiya ka naman.

May bigla nalang tumilapon na papel sa table ko. Alam kong galing kay Yuri kaya hindi ko pinansin. Pay attention daw sa lesson, edi sa lesson tayo!

Hindi nagtagal, nasundan na naman yung papel. Sandali ko sya'ng tinignan pero patay malisya sya kaya hindi ko ulit ginalaw yung papel.

Maya-maya, may panibago na naman. Nasundan na naman yung ng isa pa. Medyo naiinis na ko sa ginagawa nya kaya inis ko sya'ng tinignan.

Kinuha ko lahat ng papel na hinagis nya sa table ko at inis na inilagay yun lahat sa table nya.

"Ms. Mariano! Kung wala kang balak makinig pwede ka ng lumabas!" Galit na sabi sakin nung teacher namin.

Anaknang...

"P-pero Ma'am----"

"LABAS!" Putol nya sa sasabihin ko.

Napilitan akong tumayo. Tinignan ko ng masama si Yuri. Kingina kasi! Nakayuko pa kong naglakad palabas pero hindi nakaiwas sa paningin ko yung pagtawa ni Ci-N sakin.

Bata'ng kumag!

Yari sakin tong Ci-N na to sa bahay!

Paglabas, dumiretso ako sa gilid ng room. Nagpunta ako sa part ng mapuno. Wala naman kasi ako'ng ibang pupuntahan.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon