Chapter 34

1.1M 52.4K 46.9K
                                    

Chapter 34: Pain

Raze's Point of View

"Thank you,"

Nakipagkamayan ako sa attorney bago ito naglakad palabas ng aking office. Finally, I am officially Raze Silvenia. Mananatiling bahagi na lang ng nakaraan si Lux. Nakaraan na humubog sa akin kung ano ako ngayon.

Napatingin ako sa sofa. Damn! Miss ko na si Dark. Binaon ko ang sarili ko sa trabaho para hindi sya maalala dahil 'pag nagiging bakante ako ay ang mukha nya ang nakikita ko.

Umupo ako sa sofa at tumingin sa kisame.

Sana, kung nasan ka man ngayon ay maayos ka. I'm proud of you. Maging mabuti kang ama sa siyam mong anak. Baka 'pag nagkita tayo uugod-ugod ka na.

Bigla kong naalala ng isang babaeng matagal ng hindi nagpaparamdam. Anong nangyari sa kanya? Sumabak na naman ba sa gyera? Damn! Kung ako ay ayoko sa trabaho nya.

Hindi sya nakakasiguro sa kaligtasan nya. Maraming magtatangka sa kanyang buhay at hindi ko alam kung anong trip nya kung bakit 'yon ang napili nyang tahakin. Sabagay, baliw 'yon e. Sabik sa dugo at putok ng baril.

Napatingin ako sa cellphone ko. Pati ang Alas na 'yon. Wala na rin akong balita sa kanya.

Hays.

Pakiramdam ko ay tinatalikuran ako ng mga tao sa paligid ko.

"Talikuran ka man nila, mananatili akong tapat sa'yo."

Bigla kong naalala ang isa sa mga tumatak sa aking isipan na sinabi nya. Kahit wala ka na ay putuloy mo pa ring ginugulo ang aking isipan.

Pero... Weird. Parang may mali sa kanya. Minsan... Madalas.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa dami ng umiikot sa aking isipan. Tapos na lahat ng pipirmahan ko at wala akong business meeting kaya bakante ako ngayon.

Tumayo ako at hinanap ang pangalan ni Ace sa contacts ko.

Nakailang dial ako ngunit walang sagot. Anak n--- Masyado ba silang busy? Nakalimutan na nila ako? Matapos ang lahat?

Ibinigay ko naman lahat, bakit ganito pa rin ang isinukli nila.

"Babangon ako at dudurugin ko kayo." wika ko sa salamin habang seryosong nakatingin sa aking reflection.

"Naks. Bagay talaga akong artista. Pang hollywood!" Kumindat ako sa aking sarili. "Pwede rin akong pornstar." bulong ko.

Natigilan ako nang mapagtanto ang isang bagay.

Bakit ko kinakausap ang sarili ko?

Natakot ako sa aking sarili. "Raze... Normal ka, okay? Sadyang wala ka lang kausap kaya maging ang sarili mo ay kinakausap mo na." pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Napagitla ako nang biglang may kumatok. Pumasok ang aking secretary na naka tsinelas na lang. Kinukuha ko kasi lahat ng heels nya para pag nagkita kami ni Allison, may collection na akong ibibigay sa kanya.

Nagtatampo pa rin kaya sya sa akin dahil hindi ko nasagot ang kanyang tawag?

Sorry na, baby ko. 'Wag ka nang magtampo.

"What?" iritang tanong ko.

Ayoko sa lahat 'yong ini-storbo ako sa kalagitnaan ng pagdadrama ko. Nakakabanas.

"May emergency mee---"

"Cancel it. Get out."

"But si---"

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon