THREE

43.8K 977 32
                                    

RIA POV
Ang ganda! Nasa malawak at maaliwalas akong garden!! Ang daming paro-paro. ..

Mga bulaklak!
"Psst! " nagulat ako nong may sumitsit
"Si-sino ya-yan?! "natatakot kung sabi waaaahhhh... Sinusundo na ba ko ni lord?! Nasa heaven naba ko?!

Wait....wala pa namang nangyayari sakin eh.. Pano ako mapupunta sa heaven?!.

"Anak.. Bumalik kana sa enchanted... "sabi ng isang napakagandang babae.. Ano?! Anak?! Sino ang tinatawag niyang anak?!

"Pasensya po ano?! Pero sino po ang anak nyo? "tanong ko sa kanya
"Ikaw ang anak ko... Ikaw si Princess Kash---

"ZICHORIA CRUZ! GUMISING KANA DYAN! NANANAGINIP KA!! "napabangon ako agad sa sigaw ni mama..
Ano yun?! Bakit may napaniginipan akong babae na sinasabi na anak nya ko?! Seryoso?!

"ZICHORIA CRUZ!!!NASA EARTH TAYO! HOY!! "sigaw ni mama
"Ma naman eh!!oo na babangon na! "reklamo ko at tumayo na. Para maligo't magbihis.

-----------
Nandito ako ngayon sa library dahil nagbabasa ako at dahil tahimik.

Tumayo muna ako para kumuha ulit ng libro dahil katatapos kulang basahin ang kinuha ko kanina...

Habang namimili ako ng libro ay parang may nararamdaman akong masama... Bigla tuloy akong kinabahan ng nagpop sa utak ko ang mukha ni mama at papa ..

Wag naman sana.. Dali dali akong tumakbo palabas wala akong pakealam kung pinagtitinginan ako basta makauwi lang ako.

Hinarang pa ko ng guard kanina ng lumabas ako ng gate pero tuloy tuloy lang ang takbo ko.

Malapit lang kasi dito ang bahay.
--------------
"Hooo haaaa hooo haaa"hinga ko.
Nang makarecover ako ay pumasok na ko ng bahay at nagulat ako sa nadatnan ko..

Nagkalat ang mga gamit namin sa floor. ......
"MA?! PA?! ASAN KAYO?! "sigaw ko ng pagkalakas lakas. Pero walang sumasagot kaya mas lalo akong nabahala....

Nang may narinig akong kalabog mula sa itaas kaya nagmadali akong umakyat.

Habang papalapit ako ay pakaba ako ng pakaba..
"Nasaan ang prinsesa?! Sabihin mo sakin!"dinig kung sabi ng isang lalaki....

Prinsesa na naman?!
"Hindi namin alam! "sabi ni papa... Nakabukas kasi ng unti ang pintuan kaya nakikita ko sila...

Nakakahina ng katawan ang nakikita ko... Nakaluhod ang mga magulang ko habang duguan ang iba't ibang parte ng katawan nila....
"Sasagot kayo oh papatayin ko kayo?! "sabi naman ng isa. Teka?! Sila yung nagpakita sakin nung nakaraang araw!

"Patayin mo nalang kami!!! Kahit anong gawin nyo hinding hindi namin sasabihin! "matigas na sabi ni mama... Gusto ko silang tulungan ngunit papaano?! Hindi ko alam....

*BANG!* *BANG! *nagulat ako sa putok ng baril. H-hin-hindi..... Hin-hindi... Ma-aar-i... Wa-wala n-na si-sila.

Magbabayad sila!! Pinatay nila ang mga magulang ko...

Lumapit ako sa kanila mama. Nakaalis na ang mga nakaitim.

"A-anak! Pa-paumanhin... Ngu-ngunit.. Hi-hindi... Kam-kami. .a-ang.. Totoo m-mong ma-magulang... Ha-hanapin.. M-mo si-sila. .I-isa k-kang. P-pri-prin.... "hindi natuloy ni mama dahil nawalan na siya ng hininga... Hindi hindi maari!!

"MA!! GUMISING KAYO!! MA!! HINDI!!! HINDI!!! MAAAAAA!! HUHUHUHU MAAAA"sigaw ko habang umiiyak...

------------
Katatapos kulang umiyak dahil hindi ko matanggap na wala na sila... Ngunit ang sinabi ni mama.... Bigla kong naisip ang libro na bigay ni lorves at kinuha ito tsaka binasa...

"Ang Enchanted Kingdom ay isang lugar na puno ng mahika. Dito nagmula ang mga taong may kapangyarihan.Nahahati ito sa pito na angkan.

Una ay ang AIR KINGDOM. Pinamumunuan ito nina haring Frix Airoler at reyna Tresh Airoler. Sila ang may hawak sa elemento ng hangin. Nakokontrol nila ang bagsik ng hangin. Kaya nilang tanggalin ang hininga ng isang tao. Ang anak nila ay si Princess Cheriezel Brin Airoler.Taglay niya ang kapangyarihan ng hangin. Sya ang pinakamalakas sa paggamit ng elemento ng hangin.

Pangalawa ay ang ICE KINGDOM Pinamumunuan ito nina Haring Javier Icer at Reyna Isterel Icer. Sila ang may hawak sa elemento ng yelo. Kaya nilang pumatay gamit ang yelo.Ang anak nila ay si Prinsipe Castero Vier Icer. Siya ang pinakamalakas sa paggamit ng elemento ng Yelo.

Pangatlo ay ang WATER KINGDOM. Pinamumunuan ito nina Haring Teros Walzer at Reyna Pizare(Pi-zayr) walzer. Taglay nila ang elemento ng Tubig.Kaya nilang gumawa napakalaking alon na nakakamatay. Ang anak nila ay si Princess Ashmeril Trex Walzer. Siya ang pinakamalakas gumamit ng elemento ng tubig.

Pang-apat ay ang THUNDER KINGDOM. Pinamumunuan ito nina Haring Rokcer Thundroler at Reyna Serces Thundroler. Sila ang may hawak sa elemento ng kidlat. Ang anak nila ay si Prinsipe Drolex Revile Thundroler. Ang pinakamalakas sa paggamit ng kidlat.

Ang panglima ay ang FIRE KINGDOM. Ito ang pumapangatlo sa pinakamalas sa pito. Pinamumunuan ito nina Haring Zerfio Firoper at Reyna Gernisia Firoper. Sila ang nagtataglay ng elemento ng apoy.Ang anak nila ay si Prinsipe Herozer Greek Firoper. Siya ang pinakamalakas na gumagamit sa elemento ng apoy.

Ang pang-anim. O ang pumapangalawa sa pinakamalalakas ay ang DARK LITE KINGDOM. Pinamumunuan ito ni Haring Driolite.Dito nagmula ang mga masasamang elemento. Nagtataglay ng elemento ng lupa ang kanilang hari. At may kapangyarihan din siya ng dark shadow. Ang dark lite ang kalaban ng anim na kaharian.

At ang panghuli. O ang pinakamalakas sa lahat. Ay ang
ENCANTASIA. Ang namumuno dito ay sina haring Avri Froster at Reyna Kashtin Froster.

Sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Taglay nila ang lahat ng kapangyarihan. Nagkaroon sila ng anak ngunit ng isilang ito ay nagkaroon ng digmaan. Dahil gustong makuha ni Driolite ang prinsesa. Ang prinsesa ang pinakamalakas sa lahat ng taong nabubuhay dito sa enchanted. Kaya gusto siyang kuhanin ng mga masasama upang gawing panlaban sa mga kaaway.

Ngunit sa ngayon ay nawawala ang prinsesa dahil sa isang digmaang naganap.... "eto na siguro ang hinahanap kung parte kaya pinagpatuloy ko.

"Ang digmaan ay naganap sa kaharian ng Encantasia. Noong araw ding iyon isinilang ang prinsesa kaya't nabahala ang reyna at hari na baka kuhanin nila ito .Kaya napagdesisyunan nilang ilayo ang bata. Sa tulong ng isang God. Si Goddess Lorves. Itinago niya ang prinsesa kaya walang nakakaalam kung nasaan siya....

Ang prinsesa ay walang iba kung hindi si PRINCESS KASHMIER AVRILLE ZICHORIA FROSTER. Ang makapangyarihang prinsesa na tatalo sa kasamaan. "pagtatapos ko sa binabasa ko. So ito pala ang enchanted?!.

Kailangan kung pumunta doon. Dahil baka sa kalaing mahanap ko doon ang aking pagkatao.
Nagulat ako ng umilaw ng nakakasilaw ang aking pintuan at naging isang portal.

At iniluwa iyon ang taong naglayo sakin sa kapahamakan. Si Goddess Lorves.

"Mahal na prinsesa. Naparito ako upang ipaalam sa inyo na ikaw ay isasama ko sa aming mundo. "paliwanag niya. Sasama ba ko? Siguro nga. Dahil wala naman na akong mauuwian dito. Wala narin sina mama at papa.

"Sandali. Mag-iimpake lang ako"sagot ko ngunit nagsalita ulit siya.
"Hindi na yun mahalaga mahal na prinsesa. Bibili nalang tayo ng iyong mga gamit doon. Tara na. "sabi niya at hinila ako papasok sa portal

"AHHHHH"sigaw ko waaahhh napapikit nalang ako ng dahil sa takot. At nakakahilo shemay! .
-----------------------
TO BE CONTINUE

THE ENCHANTED ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon