Chapter 24: Grandest Romantic Gesture

70.9K 987 88
                                    

Dedicated to my fourth year section, St. Thomas the Apostle! I miss you guys! Kahit halos isang taon na tayong nakahiwa-hiwalay sobrang nami-miss ko na kayo.

• • • • • • • • • • • • • • •

Chapter 24: Grandest Romantic Gesture

“Ang lameeegggg!!!” Sigaw ko noong bumuhos na yung malamig na tubig sa katawan ko. Nahuli na kasi ako sa pagligo. Natapos na tuloy yung rasyon ng mainit na tubig. Napasarap yung tulog ko gawa na rin ng puyat ko kahapon. Wala naman akong ibang nagawa kundi tiisin na lang yung lamig kundi hindi rin ako makakapaligo.

Bandang alas-sais, tumunog na yung bell sa main ng Sta. Catalina. Ibig sabihin kailangan nang magtipun-tipon uli sa conference room. Doon nagdasal kami, sa pangunguna ni Kuya Marc tapos nag-almusal na rin. Hindi na kami nakipag-agawan kasi parang kung saan na umupo yung grupo niyo, understood na na doon na kayo. Madaming activities noong umaga pero yung activity after lunch yung pinakanagpagulantang sa akin.

“Siguro naman alam ninyong lahat na ito na yung huling taon ng pagsasama-sama ninyo. Maswerte kayo at may school kayo na nagbibigay ng ganitong program para makapunta kayo ng Baguio at ma-experience ito. Huling taon niyo na, kaya sulitin na natin ito.

“Una, tumayo muna tayong lahat,” Tumayo kami mula sa kinauupuan namin. Nakabilog kami sa buong conference room at nasa gitna si Kuya Marc. “GROUP HUG!”

Yung mga classmates ko naman sinara yung circle at nag-group hug. Yung katabi kong si Tim, ginulo pa yung buhok ko habang nasa group hug kami. Noong nag-disperse na kami, nagsalita uli si Kuya Marc.

“Gawin ninyo ang sasabihin ko. Don’t hold back. Kung may kaaway man kayo sa klase, ito na yung time para i-push aside ninyo yung disagreements ninyo at makipag-ayos na. Gusto kong yakapin ninyo bawat kaklase ninyo at humingi ng tawad sa mga hindi ninyo pagkakaintindihan, sa mga panahong nagkakaroon ng asaran at payabangan. Ngayon na ang panahon para humingi ng tawad.”

Syempre, ginawa naman namin iyon. Naiiyak ako sa mga sorry ng classmates ko. Kahit ang liit lang ng mga dahilan nila, tumulo pa din yung luha ko. Lalapit sana ako kay King para humingi ng tawad kasi ang dami kong naging kasalanan sa kanya. Mula pa nung nabasag ko si Chi naipon na ata. Pero hindi na dumating yung chance na iyon kasi nagsalita na uli si Kuya Marc.

“Ngayon naman, magpasalamat tayo sa bawat isa, sa lahat ng memories na nagawa ninyo kasama sila…” nagsasalita pa siya pero hindi ko na narinig kasi yung mga classmates ko umaksyon na agad at yumakap na ng yumakap. Naiyak pa rin ako. Kasi dito talaga sa event na ito, saka lang nagsi-sink in na huling taon na talaga namin ito.

“Bago natin ituloy sa susunod na hug session, may activity muna tayo.” Tapos nagsalita siya ng introduction tungkol sa kung gaano ba talaga namin ka-close si God. “Gusto kong maghanap kayo ng lugar ninyo, sa paligid ng retreat house na ito and take the time to talk with God. I’ll ring the bell tapos babalik kayo dito sa Con Room.”

Nag-ikot-ikot ako sa annex at sa huli, sa garden ako napadpad. Mayroong table doon tapos umupo ako sa taas noon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko gagawin ito. Hindi naman din kasi siguro ganoon katindi yung pananampalataya ko kaya may pagkailang pa ako.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon