Kabanata 1:Relief Goods

3.1K 50 2
                                    

Kabanata 1:Relief Goods

 “UMABOT na sa 1,500 na mga bangkay ang natagpuan matapos manalasa ang bagyong Yolanda dito sa Lungsod ng Tacloban…  Dahil sa bagsik ng bagyong Yolanda, hindi nakalampas sa bangis nito ang Samar at Bayan ng Leyte. Sa ngayon, pangunahing pangangailangan ng mga taong sinalanta ay pagkain, kumot, mga damit, gamot…”

Parang wala nang narinig si Emanuela Cherry Velascopagkatapos iyongmarinig sa bibig ni Atom Araullo, isang kilalang journalist sa bansa. Ang tangi na lamang niyang nakikita ay ang mga taong animo mga sisiw na basang-basa at wala ng pakialam sa kondisyon ng mga ito. Bakas sa mga mata ng mga tao ang takot, pangamba, at pagkabigla. May pa ngang isang lalaking may bitbit na bata. Ang masakit sa lahat, wala na itong buhay.

Nagkalat ang mga patay sa hindi na maaninag na kalsada. 

Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib kasabay at kasabay niyon ang pag-init ng sulok ng mga mata. Humugot siya ng isang malalim na hininga upang huwag kumawala sa kanilang bilangguan ang mga traydor niyang mga luha. Subalit, patuloy pa rin ang kirot ang dibdib niya. Hindiniya kayang pigilan.

“Emanuela, aalis na ako.May Senate Hearing pa kami ngayon.”

Bago, lumingon sa ama, pinahiran muna niya ang mga mata kahit hindi pa pumapatak ang mga luha at pilit na  ngiti ang inihanda nang humarap siya rito.Ayaw ng daddy niya na makita siyang nasasaktan.

Pinatay niya ang telebisyon bago tumayo.Humalik siya sa pisngi ng ama.

“D-dad?” simula ni Emanuela. It was not normal for her to do this but the people were calling for her help.  Pinagdikit-dikit niya ang mga daliri.“P-pwede ba natin silang tulungan?”  tanong niya  na nakayuko ang ulo. Her father already knew who she was referring too. Kahapon pa man, nang ibalita ng weather forecaster ang paparating na malakas na bagyo, nakatutok na sila sa telebisyon.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ng ama. Inangat nito ang kanyang mukha kaya nagtama ang kanilang paningin.

Kalungkutan.Iyon ang nababasa niya sa mga mata nito. Patawad, daddy.

Hindi naman sa pagmamayabang pero, ang ama niya ang pinaka-the best daddy na ipinagkaloob ng Panginoon sa kanya. Hindi lang ito mabait kundi matulungin din sa mga tao. Hindi ito nasilaw sa mga salapi hindi katulad ng ibang senador na binubulsa ang mga perang hindi naman sa kanila. Minsan pa nga, may mga taong hindi niya kilala na pumupunta sa kanilang bahay. Dahil hindi siya sanay na makiusyuso sa kanilang usapan, doon lang siya maghihintay sa sariling kwarto. Kapag nararamdaman miyang  aalis na ang bisita, doon  lang siya sisilip sa siwang ng kanyang pintuan at  makikita  na lang niya ang mga bisita ng ama na uuwing galit. Ewan niyakung ano ang pinag-usapan nila, pero alam niyanghindi iyon pabor samga bisita. Ilan na ba silang iti-nurn down ni daddy?

“We can always help them, Emanuela,” ani nito sabay haplos ng kanyang pisngi. “In fact, handa na ang mga relief goods at idedeliver na lang sa lugar na nasalanta ng bagyo.”

Niyakap niya ito ng buong higpit. Tumawa ito sa kanyang inakto. “Dad? Pwede bang ako na lang ang maghatid ng mga relief goods?”

Inilayo siya nito sa bisig nito at hinawakan ang magkabila niyang balikat.  His muscles became rigid that she became worried.  Dala na rin ng edad nito, marami na itong nararamdaman sa katawan. “Bakit?” tanong nito.Salubong ang mga kilay ni Manuel.

Kinamot ni Emanuela angulo. “Kailangan po bang may dahilan? Gusto ko lang po.”

“Emanuela, I know that it’s very hard for you to face the people. Ilan nga sa mga kumpadre ko ay hindi ka nakikita dahil pinagtataguan mo sila. Sabihin mo sa ‘kin ang totoong dahilan bago pa ako magdesisyon kung pagbibigyan kita o hindi.”

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon