Chapter 25: Strawberry Taho

70.1K 1.1K 244
                                    

Chapter 25: Strawberry Taho

Sobrang kinakabahan ako habang naglalakad sa hallway papunta sa mga room. Clueless ako sa mga nangyayari. At least, iyon ang sinasabi ko sa sarili ko. Malay mo, ibang dahilan pala kaya ako pinatawag ni Mrs. Saragosa.

Pero mas kinabahan ako noong tumigil kami sa harap ng pintuan nina King.

Pumasok kami ni Miss at nagulat ako sa nakita ko. Nandoon si King, balot na balot ng kumot, pulang pula ang ilong at nanginginig sa sobrang lamig. Napakunot na lang yung noo ko sa sobrang pag-alala pero hindi ko naman magawang lapitan siya dahil natatakot ako sa adviser namin.

“You see, Sofia, he is sick. Ayaw niyang sabihin sa akin kung bakit bigla siyang nagkasakit. I need  someone who will take care of him and when I asked, he chose you. Nagtanong pa ako kung may kaibigan siyang lalaki na pwede siyang samahan pero ikaw lang ang hinahanap niya. So I guess you should take care of him. I’ll check on you two once in a while. You’re excused for the whole afternoon, Sofia. Take good care of him,” tinignan nanaman ako ng adviser namin sa mata saka ako tumango. Noong lumabas na siya, umupo ako sa tabi ng kama ni King.

Naiilang ako sa kondisyon namin ngayon. Bakit kasi walang kaibigan itong lalaking ito? Ako pa tuloy ang na-stuck sa pag-aalaga sa kanya.

Ako naman ang may kasalanan hindi ba? Kung hindi ako natulog sa balcony kahapon ‘di sana hindi din siya namalagi doon at hindi na nagkasakit. Siya tuloy ang naghirap dahil sa akin.

Dahan-dahan kong ibinaba yung kumot na nakabalot hanggang ulo niya tapos hinawakan ko yung noo niya. Sobrang init! Grabe naman itong magkasakit!

“King,” mahinang tawag ko sa pangalan niya. Nag-moan lang siya bilang sagot. “Ang init mo. Bakit ba kasi natulog ka pa sa labas eh! Nakakaasar ka!” Moan lang uli ang sagot niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako doon.

Maya’t maya kong tinitignan yung temperature niya. Hindi pa din nababa. Hindi rin nakakatulong yung lamig sa Baguio kasi hindi siya pinagpapawisan. Kaya naman nagpunta ako sa kwarto namin tapos kinuha ko yung kumot ko at binalot kay King. Tapos nagpunta ako sa may clinic part ng retreat house tapos kumuha ng room humidifier tsaka Vics.

Tumalab naman yung humidifier kasi sa wakas, pinagpawisan na si King. Mga kalahating oras din iyon kaya noong nagisisng siya, iritableng iritable na siya. Umupo siya tapos tinanggal yung napakaraming layer ng kumot mula sa katawan niya.

“Ang init,” pagrereklamo niya.

“King,” tumabi ako sa kanya.

“Ang init,” inulit niya. This time, hinihila na niya yung laylayan ng t-shirt niya. Mukhang alam ko na kung anong ginagawa niya.

“King, huwag kang maghubad. Matutuyuan ka ng pawis.”

“Kuha mo ako ng damit sa cabinet.”

Tumayo ako at kumuha ng damit sa cabinet nila. Hindi ko alam kung anong pipipiliin ko kaya kinuha ko na lang yung unang mahila ng kamay ko. Which is wrong kasi ang una kong nakuha ay boxers niya. Naramdaman kong namula yung pisngi ko. First time kong makakita ng boxer na hindi sa kuya ko.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon