TDKQ: 15

16.9K 354 12
                                    

Someone's P. O. V

"Mom! Are you sure you want me to go there? What if they will find out who really am I?"

"Dont worry mahal kong anak kung malaman nila edi malaman" nakangiting sabi ng mommy ko si daddy naman ay may meeting kasama yung dalawang hari which is ninong ko.

"Pupunta lang ako kay king papsi!" Sagot ko kay mommy at tumango lang siya.

Lolo ko siya. Hehehe. At super close kami. Kailangan kong pumunta doon dahil ayon ang nakatakda. Sana lang ang gusto ko eh hindi na lang nila malaman.

Franxine's P. O. V

Tumakbo lang ako papunta sa kinaroroonan ng isang kiarap. Ang kiarap ay may 10 points. Hindi ako natatakot kasi mabango yung dugo niya! \(^.^)/

Binanat ko ang Bow.

(A/N: Singet muna! Nakalimutan ko yung tagalog ng Bow! Ang alam ko lang Pana which is Arrow. Teka pana din ba yung Bow? Eh? Ay basta!)

May nabuo na kulay white na arrow. Teka! Diba bawal gumamit ng mahika? Pero uhmm hindi ko naman mahika ito eh! Mula 'to sa bow na hawak ko kaya walang mali doon. (' 3 ')

Inasinta ko ito sa isang kiarap at binitawan ang arrow sapol siya sa ulo!

Meron na akong 10 points.

Ang passing score daw eh 500 points! Ang hirap-hirap naman!

"Franxine......"

May bumulong na babae. Tumingin ako sa paligid. Pero wala naman.

'Anna! Tinatawag mo ba ako?'

'Huh? Pinagsasabi m---- Hayaaaaa! Wait lang nakikipaglaban ako mamaya na lang!' Saad niya.

Weird....

Buti na lang at hindi nila alam na gumagamit kami ng telepathy ni Anna, Ako at si Hanna.

Nilibot ko ang aking paningin. Naglakad ako ng naglakad.

Hanggang sa may gumalaw na kung ano sa may talahiban.

"Sinong nandiyan?" Tanong ko. Tanga talaga ako! Baka mapahamak lang ako sa ginagawa ko.

Tapos biglang lumabas siya, isang itim na pusa na magkaiba ang kulay ng mga mata. May mga kung anong kuryente na dumadaloy sa katawan niya.

"ROAAAAAR!" Napatalikod ako isang halimaw! Napatakip na lang ako ng mukha at nag duck. Hinihintay na may gumagat o kung anoman ang tumama sa katawan ko pero wala eh.

"Tss. Idiot." Napamulat ako ng mga mata ko. Si Ivan. (=_=)
May mala sa ahas talaga 'tong lalaking 'to kabanas!

Tumalikod na lang ako at naglakad.

"Matapos kitang tulungan wala man lang thank you?!" Saad niya napatingin naman ako sa likuran ko.

"Bakit sinabi ko ba na tulungan mo ako? Pero thank you na rin" cold na sabi ko. At nag lakad na ulit ako. Ang hirap palang mag panggap na cold sa harap niya. Kapag hindi ako magpapanggap eh sabihin niya nababaliw na ako dahil sa kakangiti ko at with matching blush pa ng cheeks.

Nag patuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa makakita ako ng 100 points na halimaw maliit ito na parang snowball mga puting balahibo. Behind that. May nakatagong kademonyohan ang isang iyan!

Nakita niya ako at nag pupy eyes. Hindi ko siya pinansin. Pinag aralan ko kung paano sila tatalunin without using my powers.

Hindi ako lumapit bagkud ay hinayaan ko siya ang lumapit sa akin. Huwag mong ipapakita na hindi ka takot sa kanya. Huwag na huwag mo iyong gagawin. Iparamdam mo na natatakot ka. Kumbaga acting ganern.

The Demon King's Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon