Chapter V

4.5K 175 10
                                    

"Transferry"

June 5 20xx
Jhap's Room

Tok
Tok
Katok sa pintuan ni Jhap

"Kuya pinapagising ka na ni lola papasok ka na po daw"
Katok ng isang boses na naririnig ni Jhap

Naalipungatan naman si Jhap sa panaginip niya at dahil dito ay nagising siya

"Oo gising na"
Pagsagot nito na medyo galit

"Kuya bumangon ka na kasi Biyernes ngayon masaya, mag jogging pants ka ah, nga pala kuya sama ka lanh sakin mamaya sa school pag vacant ka puntahan mo ako sa room any time"
Sabi naman ni Prince na siyang kumatok kanina

"Oo"
Pagsagot ni Jhap

Pagtayo niya ay diretso naman siyang nag ayos sa pag pasok

Palabas na siya ng kwarto niya at pag bukas niya ng pinto ay may nakita siyang babae

"Good Morning Jhap"
Sabi ng babae sa kaniya

"Good Morning Mylene"
Pagsagot nito

Isa siya sa mga pinsan nila Jhap na anak nila Ashtin at Paulo

Ngumiti lang si Mylene at dumiretso pababa

Kasabay lang nito si Jhap na nasa likod dahil may naaalala siya

"Kamusta na kaya sa Lanima?"
Sa isip ni Jhap

Pagbaba niya ay wala ang kaniyang ama't lola dahil may trabaho ito ang kaniyang ina naman ay lumibot sa mga kamag anak at mga ina-anak nito natatangin bumungad lang sa kanila ay ang mga maid na nag lilinis ng bahay

Pumunta na kusina si Jhap at kasabay nitong kumain si Mylene

Pagkatapos kumain ay inayos ang bag niya at pumasok

Pagdatng niya sa gate ng school ay maraming nakatingin sa kaniya

"Nakikita mo ba yung lalaking yun?"
Isa sa mga bulong na narinig ni Jhap

Ngunit bago siya pumasok ay hiningian siya ng I.D. ng guard

"Patay pano to, baguhan pa pala ako"
Sabi ni Jhap sa isip niya

"Manong guard, tinatawag na po ng adviser ko magsisimula na kami sa lection namin"
Sabi ni Jhap sa guard

Granddivinity Online: World of gods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon