Chapter 36

444K 8.5K 3.7K
                                    

Chapter 36

Smirk.

Yan ang unang bagay na nakita kong ginawa ni Cyriel pagkapasok na pagkapasok ko sa entertainment room.

"Keep it to yourself, Cyriel. Wala ako sa mood makipagtalo." I said in desperate tone.

"Wala naman akong ginagawa eh." He said.

"Then good. And please continue doing so." I said then umupo na ako sa sofa.

Flashback

Nung gabing hinatid ako ni Cyriel, pinuntahan ako ni Andy. 

"Napano ka?" Sabi ni Andy pagkakita niya sa paa ko, "Okay ka na ba? Gusto mo dalhin kita sa doctor?" He asked in his worried tone.

"No need. Kakagaling ko lang dun." 

"San mo ba nakuha yan? Kasi naman eh, wag ka ng mag heels.." Sabi niya tapos umupo siya sa tabi ko at hinilot yung sprained ankle ko, "Feeling better?"

I nodded, "San mo natutunan yan?"

"Nagseminar ako." 

Bigla naman akong natawa. Nawala lahat ng stress na nakuha ko kay Cyriel kanina.

"Weh? Ikaw? Si Andrei Louie Guzman? Kumuha ng seminar sa pagmamasahe? Hahahaha!" Then i burst into laughter. Nakakatawa kasing iimagine.

"Tss. Masama ba?"

"Hindi naman," tapos pinunasan niya yung luha ko kasi naiyak na ako sa katatawa, "Pero bakit mo ginawa yun?"

"Lagi kasing stressed sa trabaho si Mama at Papa eh. Kaya naisipan kong mag aral ng ganun para makatulong naman akong matanggal kahit konti yung stress nila. Hindi ko pa kayang ihandle yung business, that's the least i can do."

Dumbfounded.

How can someone be THIS thoughtful?

"Aish. Feeling ko tuloy ang sama kong anak."

Ginulo niya yung buhok ko, "Buti alam mo." Tapos tumawa siya, "Teka, san mo nga pala nakuha yan?"

"Uhm," nag iisip ako kung magsisinungaling ba ako at sasabihin kong nadulas ako o sasabihin ko sa kanya yung totoo at sasaktan ko siya? 

"Si Cyriel kasi eh.. Pero walang nangyari, promise! Sinipa ko lang yung gulong niya kasi inaasar niya ako kanina. Wag kang magalit, please?"

Huminga siya ng malalmin tapos, "Alright. Walang nangyari?"

I nodded.

"I trust you." Tapos tumayo siya at kinuha yung cake sa center table na dinala niya for me.

"Teka, bakit ka nga pala nandito? Gumagawa ka ng thesis di ba?" I asked while eating.

"Break time. Kailangan ko munang makita ang girlfriend ko." He said and smiled. Why the heck am i so lucky?

"Bola. Tapusin mo yun agad ha?"

"Oo naman. Konting revisions na lang, okay na yun."

"Teka, may gagawin ka ba sa Friday?"

"Meron. Bakit?" He asked 

May icing ng chocolate cake sa gilid ng bibig niya pinunasan ko while saying, "Movie marathon daw kila Dave eh. May gagawin ka pala, sayang."

"Nandun ba si Cyriel?"

"Yata?"

"Pupunta ako." He said.

"Akala ko may gagawin ka."

"Icacancel ko na lang."

"Wag na, Andy. I can handle. You trust me, right?" Sabi ko sa kanya while holding his hand.

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon