Chapter 135

859K 33.4K 14.5K
                                    

Unexpected Visitor

Jay-jay's POV

Tutuloy ba ko?!

Wag na kaya! Dumiretso na kaya ako sa school. Pero kailangan ko sya'ng makita.

Badtrip!

"Jay-jay..." Tawag sakin ni Ci-N. "...Makakagalitan ako ni Keifer nito ih!"

"Lakompake!" Inis na sabi ko sa kanya.

Sya naman ang kakagalitan. Hindi naman ako. Mga bwisit kasi! Hindi na naawa kay Kiko at ganun nalang ang ginawa nila.

Naka-usap ko na si Ci-N at nilinaw nya sakin yung nakita ko sa video. Ganti daw talaga nila yun kay Kiko dahil sa ginawa nya sakin.

Pero hindi ko naitago yung galit ko sa kanya. Oo, may kasalanan yung tao sakin pero sobra-sobra naman yata yung ginawa nila.

Hindi pa ba sapat yung sinaktan nila si Kiko nung mismong gabi na niligtas nila ko sa kanya.

"Wag kana tumuloy... Baka hanapin ka ni Keifer sakin. Hindi ko alam sasabihin ko." Pagmamakaawa nya.

"Sabihin mo nalate ng gising."

"Hindi pwede!"

Napataas ang isang kilay ko. "Anu'ng hindi pwede?!"

"A-alam ni Keifer kapag nagsisinungaling ako." Sabi nya habang nagkakamot ng ulo sa inis.

"Galingan mo kasi..."

"Hindi kasi ganun yun!" Inis na sabi nya.

"Tsk! Umalis kana nga!" Utos ko sa kanya sabay highkick.

May ilang beses ko ng pinag-aaralan yan. Halos mapilay na ko magawa lang yun. Pero hindi pa rin kaya!

"Jay-jay kasi!"

Agad kong pinara yung palapit na taxi sa kinatatayuan ko. Sumakay ako agad paghinto. Tinignan ko muna ng masama yung bata'ng kumag na muka ng naiiyak sa kinatatayuan nya.

"Kuya... Sa Benedict Hospital po tayo." Sabi ko sa driver at nag-nod naman sya.

Umandar yung taxi at naiwanan na ng tuluyan yung bata'ng kumag. Bahala sya magpalusot kay Keifer.

Medyo malayo yung Benedict Hospital. Buti nalang at inamin din sakin ni Ci-N kung sana'ng ospital dinala si Kiko. Akala ko dadain ko pa sya sa dahas.

Nakatingin lang ako samay bintana. Maluwag ang trapiko sa araw na ito at sinabayan pa ng maganda'ng panahon. Maganda din ang araw na ito para----bakit naging tunog reporter?

May 20 minutes din ang naging byahe. Utas ang bulsa ko sa pamasahe. Putik! Sana pala nanghingi ako kay Ci-N, tutal sila naman may kasalanan kung bakit ako pupunta dito.

Maliit lang ang ospital, hindi kagaya ng nasa isip ko. May apat na palapag lang. Kaunti lang din ang nakikita kong sasakyan na naka-park. Ganun din ang mga taong labas masok sa main entrance.

Maganda yung paligid. Muka'ng park at maraming puno. Meron din sila'ng cottage at mga lamesita sa gitna. May maliit na playground at pathway sa gilid.

Ospital ba talaga to?!

Dumiretso na ko sa Main entrance ng ospital. Security gaurd ang bumungad sakin. Sinilip muna nya yung loob ng bag ko bago ako tuluya'ng papasukin.

Lumapit ako sa Information counter tsutsu nila. Yung kasi ang nakalagay sa harap ng counter nila. 'Information'.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon