Chapter 10

1.6K 73 16
                                    


Chapter 10 - Okay

"June, lunch na hindi ka pa lalabas?" tanong sa'kin ni Ms. Fe.

Umiling ako at ngumiti. "Mauna na po kayo, tatapusin ko lang po ito."

"Okay, sumunod ka kaagad ha?"

Tumango ako at tumalikod sa kanya upang ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Isang linggo bago mag-start ang second quarter, dito ko sa library ginugol ang oras ko bilang SA. Enjoy ko naman ang pananatili ko sa library, hindi rin naman mabibigat ang mga gawain ko. Kapag wala akong gaanong ginagawa, nagbabasa ako. Maraming mga interesanteng aklat dito, hindi ko mauubusan ng babasahin.

Minsan pinupuntahan at tinutulungan ako ni Roxy. Hindi niya lang ako mapuntahan ngayon dahil pumunta sila ng family niya sa Greece. Treat sa kanya 'yon ng parents niya dahil mataas ang exam results at grades niya, nandoon din kasi ang ilang kamag-anak nila at ang lolo niyang medyo mahigpit.

Lumabas ako ng library matapos kong ayusin ang huling shelf. Walang ibang tao sa daan, at sigurado pagpunta ko ng cafeteria, kaming dalawa lang ni Ms. Fe ang tao. Minsan may mga nakakasabay kami na ilang teachers. Ang lungkot tingnan ng school kapag walang students.

Second quarter na next week at unang beses yata sa buong buhay kong ipinagdasal na sana hindi ko na makita si Jacin. Malaki naman ang Luxford Academy, kahit pa sabihin na nasa iisang building ang classroom namin, at magka-floor pa, pwede naman kaming hindi magkita 'di ba? Kadalasan nga, kailangan pa namin siyang hanapin ni Roxy para lang makita ko siya.

Ayoko ng pakiramdam kapag naalala ko ang huling beses na nagkita kami ni Jacin. Parang gusto ko kasing palaging maiyak kapag naiisip ko siya. Kahit pa miss na miss ko na siya, ayoko na ulit siyang makita.

Hindi na pwede.

Muntik akong mapatalon nang biglang mag-vibrate ang phone sa kamay ko.

<Miles: Hi June!>

Napangiti ako. Bukod kay Roxy, nagkaroon na ako ng ka-text.

<Me: Hello!>

Ilang segundo matapos ko iyong ipadala, tumunog at nag-vibrate muli ang phone ko. Tumatawag na si Miles.

"Hello? Miles?"

<"June! Namiss mo ko?">

Natawa ako. Ang lambing ng boses niya. "Bakit ka napatawag?" sabi ko imbis na sagutin ang tanong niya.

Kaya maraming nahuhulog na babae dito eh. Pakiramdam ko nga, hindi si Miles ang problema sa pagiging 'babaero' niya. Sobrang bait at friendly niya kasi, kaya siguro nami-misunderstood siya ng mga babae. Opinion ko lang naman 'yon. Tingin ko kasi, mabait talaga si Miles.

<"Nasa school ka pa?">

"Oo, bakit?"

<"Pwede ka bang dumaan sa Pyxie Point? Naiwan ko 'yong jacket ko do'n last week pa, ngayon lang ako sinipag na balikan."]

"Okay, nandito ka na ba sa school?"

<"Yup, sorry sa abala. Tinatamad na kong pumasok sa loob, eh. I'm at gate one. I'll wait for you there. Thanks, June!">

"Walang anuman!"

Pagdating ko ng Pyxie Point, nakita ko naman agad ang leather jacket niya. Nakapatong ito sa ibabaw ng billiard table, at nang kuhanin ko ito, nagdiwang ang ilong ko dahil sa sobrang bango. Last week pa 'to nandito, pero sobrang bango pa rin! Hindi ko alam ang eksaktong brand ng pabango niya pero sobrang bango din talaga!

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon