chapter 4 - team kulog at araw

1.6K 86 38
                                    

SUNNY'S POV

Nasa labas na ako ng campus habang hinihintay yung kulog na yun. Tangina palaging late na nga sa klase, late rin hanggang dito. Dapat kasi marami na syang deduction sa homeroom dahil sa pagiging late eh pero bakit mas lamang parin sya sakin? Sya parin yung top imbes na ako na palaging maaga at wala pang absences! Nakakainis na sya ah.

"Araw"

"Alam mo bang hindi dapat ako pinaghihintay— Anong nangyari sa mukha mo?"

"Sorry talaga. Eh kasi kailangan ko pang itakbo ang buong school para maligaw ko yung babaeng yun" sabi nya.

"Huh? Akala ko ba si Rain lang ang tinatakbuhan mo? Bakit pati babae?" Tamong ko.

"Obsessed yung babae sakin eh. Akala nya seryoso ako eh fling ko lang naman sya. Ahh basta tara na bago ako makita ng babaeng yun" sabi nya at naunang maglakad.

"Ayan landi pa!" Sabi ko.

Naglakad kami paalis ng campus. Baka makita pa ako ng driver ko at isumbong ako kina Mommy at Daddy tapos pauwiin ako at pagalitan. Psh.

"Bakit nga pala tayo naglalakad lol" sabi nya at huminto. Nagpatuloy ako sa paglakad.

"Kailangan nating makaalis sa campus" sabi ko.

"Huh bakit? Kasi baka makita ka ng mga babae ko hahahaha don't worry safe ka naman araw" sabi nya. Ang yabang yabang.

"Would you please shut up!!? Ang dami mong satsat, puro naman nonsense" sabi ko sakanya.

"Totoo yun ah"

Isang masamang tingin ang binigay ko sakanya.

"Hindi ko alam kung pano ka nagkaruon ng higher grades than me. Yung behavior mo, yung pagiging late mo sa first subject, yung tinutulog mo lang ang mga lectures ng mga teachers.... bakit nakasagot ka parin sa mga quizzes? Nagkokodigo ka ba?" Tanong ko.

Ngumisi lang sya, "Insecure ka araw? Naku, kahit anong gawin mong pag-aaral jan, hinding hindi mo parin ako malalamangan. Paborito ako ng mga teachers eh" confident pa nyang sabi.

So kaya pala. So dahil paborito lang sya ng mga teachers, naging top sya ganun? So useless lang pala yung pag-aaral ko buong araw!? SO UNFAIR!! Gusto kong maiyak na ewan.

"Uy joke lang naman. Wag kang teary-eyed" napatingin ako sakanya. Nakangiti pa sya, "Alam ko namang gusto mong maging Top 1 eh. Nakikita ko yung hardwork mo... Joke lang talaga yung paborito ako ng mga teachers. Ang totoo nyan, kaya palagi akong tama sa mga quizzes at exams... hindi dahil sa pangongodigo. Nag-a-advance study ako sa library namin para may time akong matulog sa klase. Hindi naman ako makakalimutin kaya naalala ko pa yung mga pinag-aralan ko. So don't judge okay? Pareho tayong nagsisikap dito"

Tf! Aish, nag-guilty tuloy ako. Okay it's fair. Sadyang hindi ko talaga kaya yung mga advance study nya chuchu dahil makakalimutin ako. Baka wala pa akong ma-answer sa quizzes pag sa bahay ako mag-aaral. Kaya nga nags-study ako before quizzes eh para hindi ko makalimutan. Haist.

"Pero sa ngayon, gusto ko munang makuha ang taong importante sakin" sabi nya. Napatingin ako sakanya.

"Importante? Sino? Si Snow?" Tumango sya, "Pano mo maipakitang importante sya sayo kung palagi kang lumalandi sa iba? Ulol ka ba?" Tanong ko.

"Slight. Pero mababagot rin ako minsan kaya hindi ko mapigilang manlandi. Hobby ko narin yun" sabi nya

"Pero bakit sa tomboy pa?" tanong ko.

"Bakit sa bakla pa?" Napairap ako.

"Wala ka kasing alam" bumuntong hininga ako, "Si Rain, nung nakita ko sya sa isang picture nung bata pa ako, gusto ko syang makilala agad at maging kaibigan. Sya yung lalaking naging first crush ko. Kahit hindi ko pa sya nakita sa personal noon, crush na crush ko na sya. Pero nung nakita ko sya dito sa school nung second day, pinapangako ko sa sarili ko na magiging akin sya at magsasama kami habang buhay. Kahit bakla sya o hindi. Mahal ko yun" sabi ko sakanya.

[✔] BOOK I : The Love CycleWhere stories live. Discover now